ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Saturday, April 24, 2010

ekonomistang tsuper

hindi si djdmaxxx ang sumulat nito pero nakakatuwa yung pananaw ng isang tsuper sa paraan ng pag-unlad ng pilipinas..hindi ko kilala ang may-akda ngunit natuwa ako sa istilo ng pagsulat nya..pinaalala nya sa'kin si bob ong..eto na..basahin ng mabuti..
_____
Tsuper pala ang sikreto o susi ng pagasenso ng Pinas ang sabi ko sa aking sarili habang pababa sa jeep na aking nasakyan. Natawa ako pag naaalala ko ang sinabi ng tsuper na kausap ko lang kanina. "Para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas lahat ng bilihin. Itaas ang jeepney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap" ang suhestion ng mamang drayber ng dyip na nasakyan ko.

Mahaba ang aming napagkuwentuhan ng mamang drayber. May mga drayber kasi na sa kwento nila dinadaan ang pagkainip nila sa trapik dito sa metro manila. Maaring nagtataka na kayo kung paano nangyari yun. Hayaan nyong ilahad ko rin sa inyo ang kwento ng mamang tsuper.

Nagmamadali ako papasok ng opisina ng maipit kami sa trapik. "Haaaay naku" sabi ko sa aking sarili. "Walang pinagbago ang pinas". Natawa ang drayber ng sinasakyan kong dyip. Sa unahan kasi ako sumakay kaya narinig nya ang aking nasambit. Mukhang nagmamadali kayo sir ah, tanong ng drayber. Sanayan lang po yan dagdag pa nya. Oo nga eh, kaya lang eh nakakaasar kasing isipin na ganito na lang ba tayo palagi sagot ko. Wala ka na ngang pera....trapik pa! Hirap na hirap talaga ang bansa natin ngayon. Lalong natawa ang drayber sa tinuran ko. "Sir" sabi nya, matanong ko nga kayo. Sure, sagot ko naman. Naniniwala ba kayong walang pera ang pinas? Hhhhhhmmmm napaisip ako bigla sa tanong ng tsuper. Tingin ko wala! Kasi hirap ng buhay ngayon eh sagot ko sa kanya. Wag kayo sanang magagalit sir, mukhang mali ata po kayo duon ang magalang na tugon nya. Nagulat ako dahil mukhang may alam yung mamang tsuper na di ko alam. Bakit mo naman nasabi yan manong?

Kasi ganito po yun sir...may pera ang pinas kaya nga lang ay nakaipit sa itaas ang paliwanag ng mamang tsuper. Nakaipit po yung pera sa bangko ng mga mayayamang negosyante. At para pong dumadaan sa embudo ang pera pababa sa ating mahihirap ang dagdag pa nya. Unti unti lang po ang baba, sapat lang na tayo ay makakain at wag magpatayan. Kung mapapansin nyo po ay tila napakahirap na buhay natin dito sa ibaba. Napakahirap kitain ng pera kasi nga ay kaunti lang ang perang umiikot dito sa atin sa ibaba. Samantalang P42 lang ang dolyares ngayon at kung may katotohanan ang report ng gobyerno natin na umaangat ang ekonomiya... .eh nasaan ang pera, tanong pa nung drayber. Kung totoong kumikita ang pinas pero hirap tayo at walang pera dito sa ibaba....ibig lang sabihin noon ay nasa itaas o sa mayayamang negosyante ang pera, pagtatapos ng drayber.

Magaling! sabi ko sa mamang tsuper. Ang galing nyo manong ah, dagdag ko pa. Matanong ulit kita sabi nya sa akin. Paano naman natin mababaliktad ang kahirapan natin ngayon? Mukhang pahirap ng pahirap ang tanong nyo manong ah. Madali lang yan sagot nya. O sige nga po manong...paano? Ganito yun iho, kung ako ang masusunod para makaahon tayo sa hirap dapat nating itaas ang jipney fare sa P25 kada tao. Tangalan ng tax ang mga mayayaman. Triplehen naman ang tax ng mga mahihirap.Manong Gyera po yung hinihingi nyo! Wala na nga ho tayong pambili eh...tapos imbes na pababain nyo
eh...itataas nyo pa. Isa pa ho, pag itinaas nyo ang pamasahe eh tataas ang bilihin. Lalo lang hong magiging kawawa ng mahihirap nyan sabi ko sa drayber. Isipin nyo mataas na ang bilihin tapos triple pa ang tax nila samantalang yung mayayaman naman eh aalisan nyo ng tax..manong naman!

Ganito kasi yun iho. Kaming mga drayber ang sukatan at madalas na idinadahilan ng mga mayayaman. Kami rin ang tagapasan lagi ng problema. Kada gustong pagagainin ng gobyerno ang buhay natin dito sa ibaba. Lagi na lang yung karampot naming kita ang kanilang pilit na pinabababa. Kasi nga naman pag mababa pamasahe eh makakatipid daw yung mga mahihirap dahil bababa din ang presyo ng bilihin. At kung mababa ang bilihin at pamasahe...eh di syempre mababa din ang pasuweldo.Para nga naman daw di
bumagsak ang negosyo ng mga mayayaman at makahatak pa ng foreign investors. Pero kung gagamitan mo ng simpleng math...eh magkano lang talaga ang matitipid ng isang simpleng empleyado na gaya mo. Sa totoo lang ay malaki na P1.000.00 kada buwan ang matitipid mo at P12,000.00 sa isang taon.

Aba manong malaki na pong tulong yung P12,000.00 sa mahihirap, ang sabi ko sa tsuper. Sige nga iho, ano sa tingin mo ang magagawa sa iyo ng P12,000.00? Sapat
na ba iyon para makabili ka ng bahay? Sapat na ba iyon para mapagaral mo ang iyong mga anak sa magandang paaralan? Maari siguro na makabili ka ng second hand na telebisyon at maliliit na kagamitan sa bahay pero di yun sapat para mapaunlad mo kahit konti ang buhay ng iyong pamilya.

Natigilan ako dahil may katwiran ang mamang tsuper. Bilang isang padre de pamilya na may tatlong anak...ano nga naman ang magagawa sa akin ng P1,000. kada buwan at P12,000.00 kada taon. Kung tutuusin eh sobra sobra pa nga yung kwenta nung drayber. Eh kung ganun manong ano naman ang iginanda nung suhestyon mo?

Sa pagpapababa ng presyo, hindi ang mahihirap ang tunay na nakikinabang. Mas malaki ang natitipid ng mayayaman lalo na nung malalaking korporasyon. Kasi ay bumababa ang kanilang operational expenses. Bababa ang kanilang puhunan dahil mababa ang kanilang pasahod presyo ng na materyales. Milyones ang kanilang natitipid. Ibig sabihin lang nun ay mas malaki ang kanilang kikitain.Lalo na ang foreign investors, dahil ini-export nila yung kanilang produkto, syempre pa dollars ang kanilang singil sa international market. Kaya naman sa pagpapababa ng presyo sila ang tunay na nakikinabang at hindi yung maliliit na gaya natin, lalo na kaming mga tsuper.

Hhhhhmmmm... .may katwiran nga po kayo manong! Tama nga po kayo! Kung hindi pagpapababa ng pamasahe ang sagot...eh ano po? Hindi mo kailangan ibaba ang pamasahe para matulungan ang mga mahihirap na gaya natin iho. Kung ako ang masusunod, kung itataas natin sa P25 ang pamasahe, wala ng dahilan ang mayayaman para di magtaas ng pasahod. At kung ako ang masusunod ay gagawin kong P1,500.00 ang minimum salary ng
bawat mangagawa.

Hehehe! Natawa ako sa tinuran ng drayber sa akin. Matutuwa po misis ko nyan manong hehehe! Imaginine mo ang laki ng take home pay ko. Pero kung ganun po ang gagawin nyo eh magrereklamo naman po yung mayayamang businessman. Sa laki ng gusto nyong pasahod eh wala na silang kikitain at baka magsara pa yung kumpanya nila. Matatakot din po yung foreign investor dito sa atin dahil ang taas ng labor cost.

Hindi ka nakikinig iho,sagot naman ng tsuper. Kaya nga aalisan ko na ng tax ang mayayamang negosyante. Ihalimbawa na natin yung nakasuhan ng P25billion na tax evation. Di ba kung ano ano pang red tape at bayad sa mamahaling abogado ang ginawa nun? Sigurado umubos din sya ng milyon para lang di magbayad? Kung tatangalan ko sya ng tax....hindi na nya kailangan umubos ng milyon sa red tape at magbayad sa abogado. Kanya na yung P25billion. Sa tingin mo masama pa ba yun? Sa ganung paraan din ay mababawasan ang mga buwaya sa bir.

Tungkol naman sa foreign investors... nakakalungkot isipin na labor lang ang kayang isipin ng ating gubyerno na panghatak sa kanila. Nakakalungkot din na isipin na ibinebenta tayo ng ating sariling gubyerno bilang murang alipin. Bakit di nila ipagmalaki ang kalidad o ang mataas na antas ng ating mangagawa? Mahusay ang mga pinoy magtrabaho at pulido pa. Dun pa lang lamang na tayo. Kaya nga mas gusto tayo ng mga arabo di ba? Di paulit ulit yung gawa kaya nakakatipid sila at naibebenta pa nila ng mahal dahil pulido nga ang pagkakagawa. Isa pa dapat din nating pakinabangan yung kung tawagin ng kano na strategic location ng bansa natin. Di ba kaya nga pilit pa rin na mga kano na magkaroon ng military activities o military base dito sa
atin? Kung sa military ay importante yun ganun din sa negosyo. Puede tayong maging daungan at koneksyon ng mga barko at eroplano na naghahatid ng produkto. Mumura din ang presyo ng importation dahil bukod sa magigng daungan tayo ay meron pa tayong tinatawag na Globalization. Mura na rin nilang nakukuha ang kanilang raw materials na kailangan nila dahil sa bisa ng Globalization. Di ba yun nga ang purpose nun?

Haaay naku mukhang napagisipan nyo na ng husto yan manong drayber ah? Pero may isa ho ata kayo nakaligtaan. Kung aalisan nyo ng tax ang mga negosyante.. .paano naman po tatayo ang gubyerno natin nyan? Paano na ang infrustructures natin nyan? Paano na yung operation expenses ng gobyerno natin? Dito mahihirapan na sya sa isip-isip ko.

Napakamot ng ulo ang mamang drayber. Haaay naku iho di ka talaga nakikinig. Kaya nga ti-triplehen ko ang tax nang mahihirap o empleyado eh. Sige mathematics ulit tayo. Sa ngayon ay meron tayong 87milyon na pilipino. 10% lang nyan ang mayayamang negosyante, 20% ang middle class at 70% ang mahihirap. Sa mathematics ibig sabihin nun ay may 8.7 milyon lang ang mayayaman. Baka nga sobra pa yang bilang na iyan, dagdag ba ng tsuper.Yung natitirang 78milyon ay malamang na karamihan ay empleyado. Sabihin na lang natin na 50million ang nagtatrabaho para di tayo mahirapan sa
mathematics.

Kung dati ay nakakakuha ka ng tigpipiso, magiging triple yun, ngayon ay makakakuha ka na ng P3.00. Ibig sabihin nito kung dati nakakakolekta ang BIR ng P50million.. .magiging P150million na yun. Eh hindi lang naman 3piso ang ibinabawas sa tax ng isang empleyado. Mababa ang P500 sa mga iyan eh kung tatlong P500 yan! Sige nga iho imathematics mo nga. Mas magiging epektibo ang koleksyon ng BIR dahil di na nila kailangan pang maghabol. Sa ayaw at sa gusto ng empleyado ay babawasan sila ng tax kada buwan. Magdadagdagan pa ang galamay ng BIR sa pamamagitan ng mga employer at
mababawasan ng malaki ang corruption sa ating bansa.

Hanep manong ang galing nyo po ah!

Isa pa iho, mas marami na ngayong ang magtutulungan na paangatin ang bansa natin. Imbes na 10% lang ng population ang magdadala... yung 90% na ngayon ang papasan ng ekonomiya natin. Oo nga po manong....kaya lang parang ganun pa rin iyon. Mataas nga ang sahod pero mataas din ang bilihin. Eh di wala rin po! Kayod marino ka pa rin nun dahil sa taas ng bilihin.

Maaring ganun pa nga rin yun iho. Pero matanong kita ulit. Maari ngang mahihirapan ka pa rin. Pero alin naman ang mas pipiliin mo...yung nahihirapan ka na ang pagkain mo ay tuyo....o yung nahihrapan ka na ang pagkain mo ay fried chicken?

Manong naman! tinatanong pa ba yun! Syempre dun ako sa chicken. Ano ang mas gusto mo iho....yung nahihirapan ka na nakahiga sa banig....o yung nahihirapan ka na nakahiga ka sa malambot na kama ? Manong trick question po ba yan. Syempre naman dun ako sa kama ! Eto pa ang isang tanong iho. Sa tingin mo ba may katotohanan yung naisip
ko? Nangyayari ba yun.

Naku manong drayber kayo na po siguro ang sumagot nyan. Medyo mahina po ako sa math eh! Natawa na lang yung drayber sa aking isinagot sa kanya. Di mo naman kailangan ng math dun eh iho! Ihalimbawa na natin ang mga bansang gaya ng Singapore , Japan , Hongkong , Canada , Australia , Amerika at England . Lahat ng bingangit ko ay may mataas na pasahod sa empleado. Lahat yun mga bansang iyon ay may buying power ang mga taong nasa ibaba. Lahat yun ay may kapasidad ang mamayan na bumili. Lahat ng mga iyon ay dinadayo ng foriegn investor dahil malakas ang kanilang kalakalan. Lahat ng iyon may maunlad na local na ekonomiya. Kasi iho basic lang naman yung ginawa nating
solusyon. Naalala mo ba yung embudo na sinasabi ko sa iyo kanina. Sa pamamagitan
ng pagpapataas ng sahod ay lumuwag yung butas sa embudo at bumuhos yung pera sa ibaba. At dahil nga may buying power ang isang simpleng empleado na gaya mo ay mamimili ka rin. Halimbawa na... dahil may pera ka na ay kaya mo nang yayain si esmi mo na kumain naman sa restaurant. Kaya mo na rin ibili ng sapatos ang anak mo. Kaya mo na rin bumili ng bahay at higit sa lahat ay kaya mo nang mapagaral ang iyong anak sa maayos na paaralan. Kada bibili ka yung pera mo ay aakyat ulit pataas dun sa mga negosyante. Ang nangyari ay umikot lang yung pera sa paraan na matitikman din nating mahihirap yung pinagmamalaki ng gobyerno na pagunlad ng ekonomiya at nung P42 per
dollar. Imbes na sila lang sa itaas ang nakikinabang. ...hehehe medyo maaambunan na tayo.

Kaya lang po manong eh....sa kanilang bansa siguro pwede yun! Dito po sa pinas malabong mangyari yun! Iho akala ko ba ay empleado ka? Hindi mo ba alam na taon taon ay nangyayari yung sinasabi ko sa iyo. Mayroong buwan sa isang taon na kung saan yung embudo sa taas ay lumuluwag. Taon taon yan...hindi nga lang triple ng sweldo pero doble naman. Kung sumasahod ka ng P10,000.00 kada buwan, may time sa isang taon na sasahod ka pa ulit ng panibagong P10,000.00. Kung ima-mathematics ulit natin eh tumatangap ka ng P20,000.00.

Hah talaga ho manong?

OO naman iho. Nung panahon kasi ni makoy iho ay may ginawang batas na tunay na pangmahirap. Yan ang tinatawag nating...thirteenth month pay! Sa bisa ng batas na iyan, walang choice ang mga mayayamang negosyante na magbayad ng doble sa kanilang empleado kada disyembre. Hindi ba iho, kada December puno ang mga pamilihan? Kami kada disyembre malakas ang pasada. Ganun din sa taxi at tricycle. Yung mga kumpanya malakas din ang sales gaya softdrink, appliances, sanmiguel beer at iba pa. Pag bumaba ang pera masaya ang lahat hehehe! Ang galing nyo po talaga manong! Hanga po ako sa inyo, Hanneeeep po talaga! Ang masakit nga lang nito iho....kung ako na simpleng drayber eh naiisip ko yun. Eh di lalo na yung mga mayayaman at politiko na nag-aral sa magagandang eskwelahan. Mas matatalino sila eh diba. Nasilip nila ang
isang butas sa ating batas na hindi ako sigurado kung pangmahirap na batas o pang mayaman!

Ano po iyon manong?

Ang ginagamit nilang pansakal sa embudo na sinasabi ko para mapigilan ang pagbuhos ng pera sa ibaba ay yung tinatawag nating minimum wage law. Sa ganang akin ay hindi pangmahirap na batas yan. Sige nga kung talagang para sa atin yan....ikaw na simpleng empleyado na may tatlong anak....sa tingin mo ba ay kasya yung minimum na inaprubahan ng gubyerno na P350.00? Kahit siguro si Einstein ay mahihirapan sa mathematics na ginawa nila hahahaha! O sige nga subukan natin. Teka ha hmmmm....ok ganito....sa umaga bili ka ng bigas na mumurahin. Yung tig P25.00 tapos saing mo kalahati. Bili ka ng tuyo na tig P15. Sa tanghali isaing nyo yung kalahati ng bigas tapos bili ka ng itlog at 2 lucky me na aabot ng P20. Damihan mo na lang ang sabaw
para magkasya hehehe. Sa gabi naman ay bili ka ulit ng kalahatin kilong bigas(P12.50) at 1 latang sardinas igisa mo sa bawang sibuyas at sangkaterbang tubig ulit hehehe, mga P20 ulit yan. Sa pagkain nyo ubos ka na agad ng P92.50. Syempre empleado ka papasok ka. Pagpalagay na nating P100. ang gastos mo. Magkano na yun P192.50. Eh kung may pinadede kang baby. at may pinagaaral ka na panganay. Kuryente, tubig at upa pa sa bahay. Project pa ng anak mo sa skul at tuition. Hindi rin naman pued na puro ka tuyo, itlog, lucky me at sardinas araw araw. Anong klaseng math kaya ang ginawa nila at nagkasya yung P350.00 hahaha. Kaya kung ako sa iyo iho sa
sususnod na eleksyon ay wag ka ng pumili ng matatalino at eknomista. Kasi medyo nakakalito yung aritmetik nila eh heheheh!

Ang mga halakhak na iyon ng mamang tsuper ang mga huling katagang lumabas sa kanya na aking naalala. Habang ako ay naglalakad patungo sa opisina ay naisip ko ang mga bagay bagay. Maaring marami ring butas ang suhestyon ni manong drayber. Pero maari rin namang sya ay tama. Ilang dekada na ba natin silang pinarurusahan. Ilan dekada na ba nating pinipilit ibaba ang pamasahe para bumaba ang lahat ng bilihin. Ilang dekada na ba na ipinapasa ng mayayaman ang pahirap sa mga gaya ni manong drayber. Maaari nga sigurong kapos sa pinagaralang ang drayber ng dyip na nasakyan ko...pero isa lang ang nasisiguro.. .ang kanyang sinabi ay mula sa kaibuturan ng kanyang
puso!
_______

ayus gyud!

Monday, April 19, 2010

clash of the titans


another movie which really blasted the silver screen..though a little limited to its story to be in line with the simple yet classic epic style..

you got to see the giant scorpion fight scene..



really nice visuals..nice costumes..the effects are stunning..the women, the goddess, IO reminds me of ann curtis (harhar..)



i have seen the older version of the film during my elementary years..honestly, i can't remember that one..but i have read that story when i'm taking up my english literature..good thing, i can relate with some of the scenes..not a good thing, i already knew what's going to happen..sometimes books can be spoilers..harhar..



compared to the other greek/roman mythology movie counterparts i had seen (Troy, etc), this one has edged in the visual effects..



i'm giving the movie 3 out of 5 stars..so go get your popcorn and ticket..you won't want the gods to get angry..

Friday, March 26, 2010

please remind me

i didn't mean to..i didn't intend to forget..it's not that i'm an unthoughtful person..i just forget things..even important ones sometimes..i'm guilty and should i rest my case..

yesterday was my tita jelenz' birthday..and guess what..i got preoccupied with lot of things that i forgot to text her two simple words with exclamation marks which i know would mean alot to her..and i did know it's march 25 and it's her birthday..what i did not do is to text her immediately before i forget..and unfortunately..i forgot to take the action until she text me last night with the huhuhu stuffs..foolish me..

it's not the first time this had happened to me..many might have been a victim of this crime of mine..it's like a disease i guess..and i'm not proud of it..why do i always forget..why do i lost track of those things that i should i got to i must remember..it's not a spell..it's totally me..

so, what should i do..this got to stop..or at least be mitigated..one method would be utilizing reminders tools..cellphone..calendar notes..notebook..more suggestions please..please remind me..don't forget..

Monday, March 22, 2010

not getting younger

another year has passed..

i realized..i'm not getting any younger..

so..i made a self assessment..have i lived the life that i have dreamed..or am i still young to push myself to reach it..but when would be my deadline..i'm not getting any younger..

so..i looked at my self in the mirror..and pull some old photos..crap..crap..crap..handsome is an understatement..harhar..yeah..the stubborn pimples are still there..yet..i'm not getting any younger..

i looked at my wallet..cash..cards..receipts..photos again..girlfriend..good thing..i've got a great life..but..i'm not getting any younger..

looked at my wristwatch..tick tack..tick tack..time is running..i still feel i'm just walking..i know..i'm not getting any younger..

i better not waste my time..i'm not getting any younger..but who's not getting older..

Tuesday, March 16, 2010

insensitive

(mag-ingay ka na sa lasing..wag lang sa masama ang gising)

is it me..or temper is just dominant with my stars today..and yesterday..and the other day..i just need a good old morning last minute sleep..and that is it..but a nightmare..my ear just can’t prevent hearing the slamming of the door..the loud music..the singing..tak tak tak..akon singing an annoying song..

i have no problem with music..i have no problem with songs..i have no problem with such..i sure enjoy such..but not this time..i need to sleep..come on..can you just put on your earphone..and try to move with less noise..i just want to sleep even for 30 minutes more..

maybe it’s just me..is it..or I am overreacting..am i..or I’m the one insensitive..

good thing..breakfast is served..hush..

Thursday, February 11, 2010

foodcourt 101: World Chicken

let's talk about food! "foodcourt series" by djdmaxxx: a quest to explore the gastronomic haven of malls..exposition of basic and extra-ordinary food and stores you may encounter upon going to this place..get yourself a fooodtray and let me guide you to your next food trip..

foodcourt 101: World Chicken

let's start with my favorite..world chicken..i know they have stores at glorietta, trinoma, and megamall(my friend said they do have one at sm mexico)..

prepare 180 pesos..get your tray..expect a long line since it's a popular foodcourt store..and once you're there at front of the food choices..all you have to do is choose two side dish and sauce for your grilled chicken plus your drinks..and that's it..thank you for patronizing the store..

hep! hep! hep! that previous paragraph is too naive..let's try this one..

choose among different pasta, fried rice, potato dishes, desserts, salads and chicken sauces..the combination is up to you..and the thing i like about their chicken..grilled and boneless..less oil and less breadings (unlike fried chicken)..everybody has his own favorite sidedish and sauce..the taste, not your ordinary foodcourt dish..another good thing is the serving size, a serving could be good for two..

let me give you some example:

most girls like this combi:
asian noodles, mashed potato, grilled chicken topped with cheese (***)

big eaters:
spanish rice, bacon rice, mushroom gravy sauce(**)

pasta lovers:
pesto, tuna alfredo, corn and mushroom gravy(***)

my favorite:
potato salad (or mashed potato), pomodoro, ranch bbq sauce (the best!)(*****)

so next time..if you had the chance to be there at the mall..try this store and give some comments about your experience..what's your favorite combi and sauce??

Wednesday, February 3, 2010

dilemma of not being the boss

yes boss..
okay boss..
ready boss..
got it boss..
right away boss..
no problem boss..
you're right boss..
i'll be there boss..

it's already 5pm boss..
gtg..

Wednesday, January 27, 2010

avatar syndrome

the first imax of djdmaxxx

lahat na lang ng natatanung ko.."maganda! panoorin mu!", "avatar, the best!", "ganda ng pandora, grabe!", "sobrang ganda ng avatar sa 3d, sa imax kami nanuod..", "as in, 3 beses ko na pinanuod..", "naku! panoorin mu avatar, kakaiba.."..sino naman ang hindi macucurious sa mga word-of-mouth na maririnig mu..

last december pa ito pinalabas pero last week ko lang napanood ksi nga siningit ang movies ng filmfest..buti kamo at pinalabas ulit..at buti kamo at me sumama sa'kin sa sm north kasi dun lang me imax sa qc..nkadiscount pa dahil sa citibank promo..hehe..
i really am expecting a great movie..pag-upo ko pa lang a sinehan..at kahit mjo nakakapanibago sa imax kasi kailangan mu pa magsuot nung isa pang salamin na kailangan ko pa ipatong sa aking salamin..hassle talaga ang astigmatism..

sa movie na tayo..

avatar focused on the story of paraplegic war veteran, jake sully who is brought to pandora in place of his brother (a scientist who died which already had a ready avatar body)with the promise of getting his legs back if he helps the government on a mission..pandora is a planet inhabited by a primitive race called the na’vi and jake is sent in to learn their ways so that he can help relocate them and the humans can take over and get all the precious rock minerals..the plot is very simple and quite predictable which is what I always expect in a visually-inclined movie..

but what really struck me the most is the pandora experience..the luminosity of the environment..everything seems to light up..wonderful sights..visually stunning..unusual creatures..though some are just modifications of earthly animals (like the horses, dogs, dragons, rhinos, etc)..still beyond my imagination..and seeing it in 3d multiplies the astonishment..


i really am amazed with the connectivity thing of the braided hair tips which look like a bunch of fine worms..who thought of that idea..it’s like a universal connector where the na’vi connects to their animals, trees or even everywhere in pandora, I guess..
the movie is essentially an epic love story..between jake's avatar and neytiri..the hero is also torn between his loyalty to the two races..at first, he is doing it for the humans, like a spy..but as the story goes..he falls in love with pandora, with the people, and with the princess of the na’vi..and became a true na’vi in the end fulfilling the prophecy..


the humans here are mainly antagonistic since the good interest is on the na’vi..greed and violence is upon the human race..and one of the most emotional scene is when the humans brought down the big tree house with their enormous spaceships..did I mentioned that humans here were already advanced with all those robotics and stuffs..the climax would be the battle between the two races..all the na’vi tribes united to defend their holy place which the humans plans to take over..it’s a battle both in land and air..in the end, of course, good defeats the bad..happy feel good ending..hehe..

the movie experience is one of the best for me..i just wish that next time cameron conceptualize another one..maybe he could think of a good story, not only focusing on impeccable visual effects.. but I’ll still give the movie 5 out of 5 stars..it’s a great movie so better see it yourself..and if possible, see it on a 3d moviehouse..it’s worth it..

Saturday, January 16, 2010

dilemma of a tagalog

they call it language barrier..(tawag ko dun minsan bastusan)..
have you ever been in a situation where everyone is talking and you don't understand what they are saying??..i've been there many times..(halos araw-araw ata e)..
and the worse thing is they do know how to speak the language you know but they just do it like naturally to converse like your not in there..(hello! tagalog po ako)..i'm not thinking that their intentionally doing it..or am i just overreacting..yeah, they are more comfortable with that and kudos for being proud of it..it's alright, yeah right..feeling out of place is not a good feeling after all..being a part of a different group should'nt really be that hard..i'm trying..(anu nga ulit ang sinabi nila)..they would sometimes laugh and i would just let it pass like i heard nothing or laugh, too sometimes like i understand..(deadmahan muna ang drama pero kung mukang nkakatawa e humagalpak na din kahit hindi alam ang tema)..harhar..should i blame it on the tower of babel..culture differences, i guess..

poor tagalogs..others would understand their filipino language (itinuturo kasi sa skul) but they would not understand other dialects from the other regions..like bisaya, ilocano, bicolano, etc..but we should live with that dilemma..and somehow accept that as long as we go along with other people, differences might get in the way..but should we sometimes have the courage to tell them..maybe they wont mind..

Monday, January 4, 2010

can't cry hard enough

on my way back to diliman after the christmas and new year vacation..i just feel like crying..i don't know the reason..but my emotions seems to be different..is it because of where i'm going to or because of what i left back..i can't tell..and the problem is i can't..maybe i forgot to..i want to shed some tears..but how do you do it..i even can't remember the last time..it's not that i'm suppresing that side of my personality..maybe i'm not that type..drama is not a piscean's way of coping i guess..i admit the escapist persona i became..how do actors do it..i have no talent for that..i just wonder..

According to wiki:
"To cry is to shed tears as a response to an emotional state in humans. The act of crying has been defined as "a complex secretomotor phenomenon characterized by the shedding of tears from the lacrimal apparatus, without any irritation of the ocular structures". The medical term for this is to lacrimate, which also refers to non-emotional shedding of "tears".

A neuronal connection between the lacrimal gland (tear duct) and the areas of the human brain involved with emotion was established. No other animals are thought to produce tears in response to emotional states, although this is disputed by some scientists.

According to a study of over 300 adults, on average, men cry once every month, and women cry at least five times per month, especially before and during the menstrual cycle, when crying can increase up to 5 times the normal rate, often without obvious reasons (such as depression or sadness). In many cultures, it is more socially acceptable for women and children to cry than with men.

Tears produced during emotional crying have a chemical composition which differs from other types of tear: they contain significantly greater quantities of hormones prolactin, adrenocorticotropic hormone, Leu-enkephalin and the elements potassium and manganese.

Crying is often considered to be the opposite of laughing."

if that's the truth..maybe i'm abnormal when it comes to this aspect..maybe i should learn how to..i need to be more expressive of what i feel sometimes..that way i could understand more myself..what i want and not..i should be less insensitive maybe..or maybe culture influences unconsciously dominates..

but right now..i feel better that i have written something about crying..maybe writing is a form of tears for me..for me to feel better..the secretomotor thing maybe is not that dominant..but i would be glad that if that time comes..if crying comes my way..i know it's part of being human..it's normal..i should be afraid if not..people deserve to be happy but happiness maybe is best felt when you have experienced the other side of it..

Friday, January 1, 2010

a year that was

2009..a year that was..

transitions..

from batangas substation to diliman head office, i was moved from field operations to management operations when transco finally handed the electric transmission responsibility to the national grid corporation of the philippines..ngcp..substation life is really challenging for a noob..the last month indeed is the most unforgettable for i've experienced graveyard shifts..no sleep..running around the substation for switching and stuffs..and june that was i've informed that i'll be transferred to diliman because my resume was accepted by the operations and maintenance management department..they say it was a promotion..so i decided to give it a go..and that's the start of another challenging life..every week is report week..assignments are overflowing..overwhelming..but i made it..the 6-month probationary period is over..i'm just hoping that everyhting will be more clear after this period..

new office..new officemates

i am now part of the operations division under the operations and maintenance management department..most of my collegues are ilocanos..but i got used to the language barier and just carry on when they do the alien talking (deadma na laang)..the group is really a hard working group so i got to cope up with their accomplishments..fyi..i'm the youngest among the group..harhar..they are all in their late or mid 30's already..but they're still hip in the sense..harhar again..

change address..

it's not only me who had moved out from batangas to work but also my girlfriend..she's been accepted as a lawyer at the public attorney's office at pinamalayan..yes..at mindoro..at first i really am not good with that but i'll consider it a sacrifice on our part because our career is at stake here..i don't want to spoil the future ahead of us because of my selfish intentions..selfish am i but i still have to settle for long vacations so that i could go overseas to go to her or vice versa..i just wish this set-up would not last that long for long distance relationship is really hard..T_T


new house..new housemates..

my city address at manila is #11 matiyaga street, barangay central, quezon city..15-minute walk from the office..i just am lucky to be there..the monthly rate is just right and my housemates are really great..they have attitudes..right..and it that facinates me..i have two room mates there..soc (chemist slash businessman) and jerold (silent-type church guy).. the other room is for the girls..ate grace (single and still available), melin (cebuana girl who really lol), donna (prim and proper but misunderstood) and kathy (the groovy mom)..it is not that often i spend the day with them but i always enjoy their company..


health is wealth..

year 2009 saw how i suffer from a very painful sickness..i had gastritis and it really put me on the test..i lost my appetite and nausea is awful..the worst part is i've lost weight..the good thing is i'm watching my food intake right now..i got to prevent myself eating fatty and acidic foods..healthy eating if possible..fingers-crossed..

Thursday, December 3, 2009

sobrang cheeeeezy...c",)



i love you more today..



than yesterday..



but not as much..



as tomorrow..









pictures taken at bluroze farms, lipa city, batangas..

Tuesday, November 10, 2009

The 34th IIEE Annual National Convention

The Annual Convention, with the theme "Achieving Excellence Amidst Global Challenges," offered technical presentations for electrical engineering practitioners on various topics including renewable energy, new test equipment, grounding system, partial discharge analysis, energy conservation, voltage sags, arc flash analysis, etc. Delegates also witnessed an array of companies showcasing their products and services in the 3E XPO 2009 which converged the electrical, electronics and energy (3E) sectors under one grand venue for exposition.

NGCP should continue to encourage employees especially engineers to attend such conventions for continuous professional education and to be abreast with the latest trend in engineering and technology which creates an opportunity to upgrade human resources skills and capabilities, hence, the corporation's growth as well.

so much for that blahblahs..hehe..this is the real blog behind the convention proper..

it was really a big surprise for me when i heard that i'll be going to this convention out of the many engineers at ngcp..it would not only be that the registration would be shouldered by the corporation but also that i would be given the opportunity to earn my cpe (continuous professional education, correct me if i'm wrong) units, which is now required by prc (professional regulatory commission ) to renew my license as an electrical engineer..and also a big break to my nearly routinely work at operations..

the first day is nearly a big pain in the @$$*&..going there in time has not been met because plan a of riding the mrt became impossible..the line was really overwhelming, from the inspection area up to the ground floor..imagine all the stairs of 4 floors jam packed with people..no space..shoulder to shoulder..and the line was not moving for 30 minutes i guess because all the trains coming from north edsa was already jam packed..so plan b would be taking the city bus ride which required more time because of the expected traffic and loading/unloading delays..but at least we're moving..

and again..i have to wait in line again for almost 3 hours for the registration..hunger is an understatement..

but thank god..i had the chance to be at phelps dodge seminar which happen to be held at the mall of asia, too..free lunch..free gifts..free electrical tape..free siopao..what more can i ask for..hehehe..

going back again to the convention..it's our time to visit the exposition..this is the fun part..going around the exhibits and meeting different suppliers and manufacturers..games and promos..i even beat the challenge of motolite and akari winning me special gifts..free bags..free pens..free product demos..free coffee..free ice cream..free product catalogs..free catalogs..free key chains..free candies..who said "wala ng libre ngayon!.." but at the end of the day, the burden would be handling the baggage to diliman..hehehe..that's not free..it cost me energy, i guess..

then came the seminar/technical sessions..honestly..maybe 70% of the topics discussed did not interest me..on statistics, 4 out of 16 of the sessions, i fell asleep..25%..not that bad..harhar..maybe the reason most of the time are the speakers..they're not that good as speakers, maybe they are more of a technical person, not marketing people..

or maybe i am not that acquainted yet to the organization..but i hope..next year..the convention would be better..and i hope i'll get the chance to be there again..

Thursday, November 5, 2009

antagal naman ng v. luna

antagal naman ng v.luna..bakit puro fairview ang nadaan..ala..e lampas alas nuebe na..nasinghot ko na yata lahat ng usok dito sa kamuning..at sawa na ako sa pagtingin sa billboard ni sara geronimo na halos kapantay na ng katabing gma tower..tingin sa relos..mag-iisang oras na'ko dito..*%^&$#@@#..asa pa 'ko..gabi na talaga e..halos linggo-linggo na ginawa ni bro mula nang mapadpad ako dito sa diliman..sadya ata matumal na bumiyahe ang v. luna sa ganitong oras sa ganitong araw..

patience is a virtue..madalas yan ang motto ko pag nag-iintay ng masasakyan..panu naman kung wala na talagang dadating..sampung taon ga ako maghihintay..nagtataning na lang ako ng oras at pag ndi pa dumating ang biyaheng hinihintay e dun na ko sa next best thing..at sa kaso ng v.luna..sa fairview na lang ako magtitiyaga..kundangan na laang at mapapahaba ang lakad ko papuntang boarding house..biruin mu..mula sss hanggang #11 matiyaga e dala-dala ko ang aking dambuhalang bagahe..pagdating ng bahay e talagang pandale ng hilot sa sumakit na likod at balikat....salamat na rin kesa lakarin ko naman ang kahabaan ng east ave..

nananawagan pu ako sa mga manong jeepney driver natin sa east ave biyaheng v. luna..sana pu e dumaan naman kayo madalas sa kanto ng gma para sa mga pasaherong katulad ko pag sunday night..at sa mga drivers, operators at konduktor ng bus punta fairview, ipaayus nyu naman mga bus nyo para mabawasan ang polusyon sa maynila..dapat siguro e isumbong na kayo kay bayani fernando..

at anu naman ang lesson ng blog na ito..patience is a virtue but not always..dapat e me limitasyon pa rin kasi baka yung hinihintay mu e hindi naman talaga dadating kaya mag-isip ka na ng plan b..at plan c kung minamalas ka talaga..alam naman ni bro na nagtiyaga ka na maghintay o siguro e masmakabubuti sa'yo ang mangiba ng pananaw..me point naman di ga..but not always..desisyon mu pa rin yun kaibigan..

Monday, October 19, 2009

we should have learned from the past

after ondoy, everyone has become aware of the possible effects a typhoon may bring..so the moment pepeng was forecasted to enter the philippine area of responsibility..all agencies and organizations have activated their typhoon contingency plans..including the company where i am affiliated..day after day, i really see to it that i send my updates to the higher management..

came pepeng..the forecast have been inaccurate because instead of directly hitting central luzon, pepeng routed himself to the northern part of luzon..slowly but going west..hurray..i even finalized my report re damages and restoration of our assets not knowing the coming days would be more critical..

and then typhoon quedan enter the atmosphere..and by fujiwara effect..typhoon quedan pulled back the force of pepeng..making pepeng almost stationary for almost two days i think..and made his way back to the west of north luzon..bringing a large volume of rain specifically at benguet, la union and pangasinan..

another tragedy indeed..we thought we had learned from the incident of ondoy..but here is another..we already easily pulled out our guard when we saw pepeng leaving the country..how sad that the negligence has cost us again many lives..

history repeats itself..but there is this thing that we called learning from our mistakes..what must have been done..what must not have been done..and it all goes down to us again..we knew what to do..but there is still that negative attitude in us to resist warnings and go on like everything is gonna be alright even if the danger is right there in front of us..how morbid..

ondoy and pepeng should be enough for us..and now we're expecting another supertyphoon..ramil..(tokayo!)..by now..we should have learned from the past..let's face the challenge with our guards on the maximum..and pray..