ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Friday, June 4, 2010

Here Comes The Bride; Isang Pagrerepaso

Here Comes The Bride; Isang Pagrerepaso

“minsan, dahil sa eclipse, limang buhay ang nabago... may yumaman, may bumata, may nagka-love life, may nadejado, at may naka-jackpot”

Sulit ang bayad kaya lang parang bitin

Bihira lang akong maka-appreciate ng pelikulang Pilipino, patawarin ako ng ating Inang Bayan, ngunit, inaamin ko na isa ako sa mga nakararaming burgis na tumataas ang kilay kapag pinapanood sa sine ang pelikulang Pilipino, lalo pa’t may mga iba namang pagpipilian na Hollywood films [katulad ng King of Persia na di hamak na mas maganda ang effects,( dahil yun naman ang hinihingi ng pelikula)]... pero hindi ako nagkamali sa isang ito, buti na lang at nagtiwala ako sa taste ni Naida (kaibigan at klasmeyt namin).

Nagiging trend na sa pelikulang Pilipino ngayon ang mga titulong ingles na kaparis nito...sa biglang tingin at kung hindi mo pa napapanood ang trailer o nababasa ang synopsis, aakalain mo na isa na naman itong “corny” at “cheesy” na pelikula na paris ng iba... kung alam mo naman na comedy ito, baka isipin mong wala din itong pinagkaiba at baka masayang lang ang pera mo sa sine. Simple lang naman ang layunin ko bago ako pumasok ng sinehan, gusto kong maaliw... at hindi ako nabigo.

Istorya, gumaganap at mga karakter

Umikot ang istorya sa limang (5) kaluluwa at limang (5) katawan; (1) si Stephanie (Angelica Panganiban) ang hindi makabasag pinggan na bride at ang kanyang katawan, (2) ang Ninang Precy ni Stephanie (Eugene Domingo) na isang old maid, loveless, at gigil na trial lawyer at ang kanyang katawan, (3) ang yaya ng ring bearer ni Stephanie (Tuesday Vargas) na isang Ilonggo at breadwinner ng kanyang buong pamilya at ang kanyang katawan, (4) ang mayamang grandfather-in-law ni Stephanie (Jaime Fabregas) at gumastos sa kasal at ang kanyang katawan; at (5) ang baklang beautician err image stylist pala ni Stephanie (John Lapuz) at ang kanyang katawan... Dahil sa eclipse na nangyari sa Precy ay napunta sa katawan ni Yaya; si Lolo kay beautician/image stylist; si Yaya kay Lolo; si Stephanie kay Ninang Precy; at si baklang beautician/image stylist kay Stephanie...

Namuhunan ang pelikula sa “power cast” nito..batikan lahat ang mga gumanap at hindi matatawaran ang “acting” nila... nabigyan nila ng justice ang kani-kanilang mga karakter.. pinaka-nakarelate ako sa karakter ni Ninang Precy na napunta sa katawan ni Yaya... at in fairness, magaling talaga si Chris Martinez (writer/director) dahil tama lahat ng na-site na probisyon ng batas at panalo ang mga linya.

May lalim (substance) ang istorya... sari-sari ang isyung tinatalakay... may isyu sa pamilya tulad ng mag-asawang iniasa na sa yaya ang pagtuturo ng kagandahang-asal sa anak; ang pinagdadaanan ng isang promding yaya na binabata lahat-lahat ng obligasyon para sa kanyang pamilya; ang matandang mayaman na pinagsasamantalahang utuin ng mga anak dahil sa yaman at sa mamanahin nila... may isyu din tungkol sa sekswalidad at mga sinupil na pagnanasa (suppressed desires) tulad ng ilusyon ng baklang napasok sa katawan ng isang babae at apat (4) na taong magkaasintahan na hinintay ang gabi ng kanilang pulot-gata, o ang DOM na hanggang tingin na lang sa pornograpiya... may isyu din tungkol sa mga pagpapahalaga (values) sa buhay (yaman, kabataan, career, puri/dangal, kaligayahan, moralidad, pamliya, pag-ibig, etc)...

Ang pinaka-highlight ng pelikula ay noong nagkaharap-harap na ang limang (5) naligaw na kaluluwa sa limang (5) katawang lupa... na lahat, maliban kay Stephanie ay nasiyahan na rin at tila baga ayaw nang bumalik sa dati nilang mga katawan at itinuring na biyaya ang sitwasyong kinasadlakan nila (blessing in disguise)... si Yaya kahit nasa katawan s’ya ni Lolo na isang sakiting matanda eh ok na rin dahil yumaman s’ya... si Ninang Precy kahit nasa katawan ni Yaya (at tiyak na hindi s’ya makaka-appear sa court) eh ok na rin dahil nagka love life naman s’ya sa katauhan ng driver na manliligaw ni Yaya... ang DOM na si Lolo kahit nasa katawan ng beautician/image stylist na kilalang bakla eh ok na rin dahil bumata s’ya at nagka love life din... at syempre ang baklang beautician/image stylist na nasa katawan ng maganda at seksing bride na si Stephanie eh talagang ok na ok!

Bagong estilo ng komedya...

Sabi nga ni Naida, walang dull moments sa pelikula, mula prologue hanggang epilogue kwela at paniguradong maaaliw ka.. may kaunting slapstick din.. pero panalo ang script at bitaw ng mga linya... maliban sa ilang teknikalidad katulad ng hindi pagkawasak ng mga Volkswagen (na dating mga SUVs noong unang nagbanggaan ang mga ito) kahit na ilang beses nang nagbanggaan at kung bakit imbitado si Kuya Kim (Atienza) sa kasal (bukod sa siya ang nagpaliwanag ng “scientific basis” daw ng soul swap ng lima)... na hindi mo na gaanong mapapansin... ay nakakaaliw talaga ang pelikula.

Dahil dito, binibigyan ko ng 4 stars ang Here Comes The Bride.

Ikaw, kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili ng katawan na papasukan mo, kaninong katawan ang pipiliin mo? At kung bigyan ka naman ng pagkakataon na pumili ng taong papasok sa katawan mo, sino ang pipiliin mo? Wala lang, nakakakiliti lang ng ating imahinasyon...
_________
Ang inyong natunghayan ay isang pagrerepaso ng pelikula na akda ng isang premyadong mananangggol at batikang manunulat sa kanyang larangan..mahusay ang atake at pihadong maeenganyo ang mambabasa na subukang silipin ang pilikula sa pinilakang tabing..hindi na nga ako mangangahas sumulat ng aking bersyon ng repaso at masilop na itong nailahad..parang pampahayagan ang estilo na binalangkas sa ayos na kontemporaryo..

panalo naman talaga ang pelikula..at masaya na rin ako at pinagbigyan ko ang may-akda sa kanyang matinding paghahangad na bigyang katuparan ang pagsubok sa pelikula kahit medyo inalat sa pustahan..hehehe..

ang may-akda ng repaso ay walang iba kung hindi ang aking minamahal..si atty. niña dueñas..dahil diyan..bibigyan ko ng limang bituin ang repasong binigyang pansin..

2 comments:

ninyadwenyasdimaculangan said...

talagang ibinida mo ako dun ha djdmaxxx (blushing)... hindi ako sanay sa limelight... pang-background lang aq hehe... the end justifies the means sabi nga ni machiavelli... natalo nga ako sa pustahan pero aminin mo naaliw ka rin sa pelikula :p

Unknown said...

in fairness..ang galing ng review mu..kinarir mu labs..

ndi ko pla nabanggit yung fave part ko sa muvi..yung part na pinangangaralan ni yaya si amo tungkol sa totoong responsibilidad niya bilang yaya at responsibilidad ng magulang sa anak ayon mismo sa batas..panalo talaga yun..dalwang beses ako pumalakpak..c",)