ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers
Showing posts with label batangueño. Show all posts
Showing posts with label batangueño. Show all posts

Saturday, November 16, 2013

parol

minsan nagkita ako ng pinagbebentang parol sa may kalye..
simple lang pero kita mong pinaghirapan ang pagkagawa..
bigla kong namiss ang Batangas..
at yung tradisyon namin noon..

tuwing malapit na ang pasko..
siyempre excited ang lahat..
lalo na ako..
sarap maging bata tuwing pasko..
iba talaga ang pakiramdam noon..

at isa sa mga tradisyong natatandaan ko..
ay ang paggawa namin ng parol..
siguro October o November pa lang..
nagsisimula na ang lahat maghanda..

ihanda na ang mga materyales at gamit..

ang skeleton ng parol..
kawayang patpat..
hinulmang bituin..
hindi ko matandaan ang totoong tawag don..
pero alam ko..taon-taon yun ang gamit namin..
pukpukan lang ng kalabito pag sira at oki na ulit..
at yung cellophane..
depende siguro ang kulay ..
kung anu ang feel ng mga tita o ng lola..
at kung ano meron sa new life..
o sa new quality..
iba siyempre every year..
pero dapat lutuin muna ang kula..
pero nang lumaon e glue na (sasyal)..
yung pabilog na kaha..
papaikutan ng niyuping papel de hapon..
Tupi tupi tupi tupi..
Gupit gupit gupit..
kailangan talaga matiyaga ka..
masmasinsin mas maganda..
yung buntot e gawa din sa papel de hapon..
(me kinalaman kaya talaga ang japan sa papel na ito)
Tupi tupi tupi tupi..
Gupit gupit gupit..
Kahit taun-taon na ginagawa..
Minsan e sumasablay pa rin..
minsan mayabong..minsan hindi..
minsan mahaba..minsan maikli..
minsan pantay..minsan burikli..
oki lng..
kasi sa huli..
maganda pa rin..
at nung lumaon..
ay nilagyan pa ng bumbilya..
nagliliwanag..
bituin nga di ga..
at ang mahalaga..
ang simbolo nito..
ang bituing nagliwanag..
noong isinilang si Kristo..

ang sayang pagmasdan..
ang sarap balikan..
pasko noong aking kabataan..
saya’y di matatawaran..
kahit simple lang na bagay..
ang ligaya ay tunay..

Tuesday, June 24, 2008

Kwentong Batangueño

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na laang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad.

Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat na.(anonymous writer, but most probably a native batangueño)