ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Sunday, December 11, 2011

sabay tayo

sabay tayo


sabay tayo
magsaya..
ibuhos ang ngiti..
umiyak..
tapusin ang pighati..

sabay tayo
magtampisaw..
maglaro sa ulan..
sumukob..
lamig ay takasan..

sabay tayo
sumagwan..
bangka ay pagsaluhan..
magtiwala..
pagtaob ay iwasan..

sabay tayo
mahiga..
matulog ng mahimbing..
mamahinga..
pagod ay pawiin..

sabay tayo
mag-aral..
dunong ay dagdagan..
makinig..
isa't isa'y pahalagahan..

sabay tayo
magtapat..
baguhin ang karuwagan..
umunawa..
matuto sa karanasan..

sabay tayo
magsipag..
susuungin ang hirap..
magsikap..
kakayanin ang lahat..

sabay tayo
umawit..
sumaliw sa himig..
sumayaw..
ihakbang ang pag-ibig..

sabay tayo
maglambing..
samsamin ang tamis..
magka-akbay..
magmahalan ng labis..

sabay tayo
maglakad..
tahakin ang landas..
mangarap..
harapin ang bukas..


1 comment:

ninyadwenyasdimaculangan said...

wala gang very good n grade para s blog/poem n ito :) thank you labs for the gift... like,like,like, love,love,love :)