ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Thursday, December 1, 2011

jeepney chronicles part 2: biyaheng langit

minsan sumakay ako sa jeep..

tanghali na..tingin sa cellphone..
kinse minutos na..
wala pa ring masakyang bus..

patience is a virtue..
pero late na 'ko..
bahala na..
mg-jejeep na lang ako..

tingin sa mukha ng driver..
siyempre dapat hindi mukhang magulang..
hindi mukhang kaskasero..

tingin sa cellphone..sige na..
huwag na mapili..

pili nang pili..
sa bulok nauwi..
at ito ang patotoo sa salawikain..
looks can be deceiving..

unang harurot pa lang ng sasakyan..
parang nahawi na ang daan..
kumapit ka ng mahigpit..
kung ayaw mo maipit..
sinubukan ko ring pumikit..
tadhana sadyang minsan malupit..

mamang tsuper..pwede ga..
gusto pa naming mabuhay..
mag-ingat naman..
pagmamaneho mo..
parang aral sa sagingan..
pwede naman magbigayan..
manibela e hindi maintindihan..
kung kakaliwa o kakanan..
bigla mu na lang bibilisan..

buong biyahe..
ako'y nagdadasal..
matapos na sana ..
commonwealth..philcoa..
circle..quezon ave na..

para na..para na..
salamat po..
paghinga ay bahagyang kumalma..
salamat po..
katawan ko ay buo pa..
salamat po..
biyaheng langit..tapos na..

No comments: