ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Sunday, December 1, 2013

izaak's thank you magnet


thanks to all who came and celebrated izaak's birthday with us!

Saturday, November 16, 2013

parol

minsan nagkita ako ng pinagbebentang parol sa may kalye..
simple lang pero kita mong pinaghirapan ang pagkagawa..
bigla kong namiss ang Batangas..
at yung tradisyon namin noon..

tuwing malapit na ang pasko..
siyempre excited ang lahat..
lalo na ako..
sarap maging bata tuwing pasko..
iba talaga ang pakiramdam noon..

at isa sa mga tradisyong natatandaan ko..
ay ang paggawa namin ng parol..
siguro October o November pa lang..
nagsisimula na ang lahat maghanda..

ihanda na ang mga materyales at gamit..

ang skeleton ng parol..
kawayang patpat..
hinulmang bituin..
hindi ko matandaan ang totoong tawag don..
pero alam ko..taon-taon yun ang gamit namin..
pukpukan lang ng kalabito pag sira at oki na ulit..
at yung cellophane..
depende siguro ang kulay ..
kung anu ang feel ng mga tita o ng lola..
at kung ano meron sa new life..
o sa new quality..
iba siyempre every year..
pero dapat lutuin muna ang kula..
pero nang lumaon e glue na (sasyal)..
yung pabilog na kaha..
papaikutan ng niyuping papel de hapon..
Tupi tupi tupi tupi..
Gupit gupit gupit..
kailangan talaga matiyaga ka..
masmasinsin mas maganda..
yung buntot e gawa din sa papel de hapon..
(me kinalaman kaya talaga ang japan sa papel na ito)
Tupi tupi tupi tupi..
Gupit gupit gupit..
Kahit taun-taon na ginagawa..
Minsan e sumasablay pa rin..
minsan mayabong..minsan hindi..
minsan mahaba..minsan maikli..
minsan pantay..minsan burikli..
oki lng..
kasi sa huli..
maganda pa rin..
at nung lumaon..
ay nilagyan pa ng bumbilya..
nagliliwanag..
bituin nga di ga..
at ang mahalaga..
ang simbolo nito..
ang bituing nagliwanag..
noong isinilang si Kristo..

ang sayang pagmasdan..
ang sarap balikan..
pasko noong aking kabataan..
saya’y di matatawaran..
kahit simple lang na bagay..
ang ligaya ay tunay..

Saturday, August 3, 2013

walk on


teach a child to walk..and later he will run..
lead a child his way..later he will decide his own directions..
tell a child the correct ways..later he will learn from his on mistakes..
give everything up on a child..later he will give everything back to you..

i survived tower 186

an unexpected travel.. i've been to quezon province just last wednesday..
and the mountain hiking rush suddenly felt once again..
such a difficult muddy terrain though..and the rain made it more challenging..

the land trip itself was a first time..
passing through the sierra madre..
the towns of rizal, laguna and quezon..
seeing the greens..
the mountain slopes..
the lakes and rivers..
the extreme zigzag roads..

and shall i mention the "lomi" experience..
throwing back the "were" days..
a cheap snack..
but it has kept us until the very late lunch..
and the lunch..of course..
"bulalo" and "hipon ribosado"..
got to come back there for another bite..

going back to the thrilling climb..
raining still at jump-off point..
got to borrow a raincoat..
up..up..up..
follow the trail..
got to hold on to the sturdy branches..
prevent slipping down..
be careful with some rocky parts..
up..up..up..
breath..sip some water..
still can't believe i'm here..
are we there yet..
up..up..up..
and there..
the tower legs..
summit at last..
is this the rain or sweat..
maybe both..
got to keep moving..
the bugs really annoyed me at the peak..
and thanks..no "limatik"..
got the job done..
and time to go down..
they got me a trekking stick for support..
thanks again..
muddy descend indeed..
this hiking shoes just failed me..
got to wear my fave one next time..
down..down..down..
enjoyed slipping down..
felt my knees getting weak..
need to train again i guess..
got to go back to my physical exercises..
down..down..down..
rain has stopped at last..
and were back at last..
whew..i survived..
deep breath..
thank you Lord!





Saturday, July 20, 2013

pamilyado na eh..

sabi nila.. pag nagkapamilya ka na daw.. mag-iiba na ang lahat..

tama sila..

kung dati e sarili mo lang madalas ang iniisip mo.. kapakanan na nila ngayon ang tumatakbo sa isip mo..

masmaingat ka na ngayon.. kasi iniisip mo.. paano kapag may nagyaring masama sa'yo.. paano pamilya mo.. gusto ma pa siyempre makasama sila ng matagal at makitang maayos ang kalagayan nila..

bawal magkasakit..at kung sila ang may sakit..gagawin mo ang lahat..maging maayos lang sila..

may kontrol ka na rin sa pag-gastos.. mapapansin mo lahat ng presyo ng mga bagay e kinukumpara mo minsan sa presyo ng bigas, gulay, prutas, diaper, gatas o tuition..

dati e enjoy ka sa mga gimik at kain sa labas.. ngayon masgusto mo na lang sa bahay na magdiretso.. ang kanilang mga ngiti ay sapat na upang pawiin ang pagod ng maghapon..

may halaga na ngayon ang bawat oras..hangga't maari ay maibuhos ito sa kanila..at walang panghihinayang kung kasama sila..oras sa pamilya ay oras ng saya..

hindi maiiwasan ang problema..basta ang mahalaga..handa kang harapin ito..handa ka sa lahat ng hirap..handa kang magdesisyon at isipin kung ano ang nakabubuti..

sabi nila.. pag nagkapamilya ka na daw.. mag-iiba na ang lahat..

tama sila..

pati blog ko..minsan madrama..

thumbzaak


izaak at his 7th month>>June 22, 2013

Saturday, June 1, 2013

jeepney chronicles part 6: kwentuhang wagas

minsang nakasakay ako ng jeep..

may isang grupong nagsakayan..
mga kababaihan at kabataan..
inokupa ang mga bungi sa upuan..
ngunit kahit malayo ang mga kinalagyan...
diretso ang kwentuhan..
makinig sa kanila ay hindi maiiwasan..
kahit tenga ay takpan,,
masasagap ang tsismisan..

mukhang may dinayong kasalan..
at mukhang hindi nila nagustuhan..
inisa-isa ang hayin sa hadaan..
ang luto at lasa ay hindi raw kasarapan..
pati traje de boda pinag-usapan..
halata raw na bukol na ang tiyan..

ako naman itong nakikinig lang..
hindi ko malaman..
apektado na sa nasasaksihan..
maiwaksi sana ang nararamdaman..
pagod ay lalong nadagdagan..
gusto sana ay katahimikan..

publiko man ang sasakyan..
sana ay may paggalang..
sana ang usapan..
ay sa inyo na lamang..
mga dila sana ay pigilan..
kung sasambiti’y ‘di kagandahan..
kahit pasahero lang..
gusto rin ng kapayapaan..

Saturday, May 11, 2013

jeepney chronicles part 5: kaltingan sa sasakyan


minsang nakasakay ako ng jeep..

isa munang jeepney joke jaan:
lalaki: bayad po manong.. (iniabot ang kulay ubeng isang daang piso)
driver: saan galing?!
Lalaki: sa dalawang pusong nagmamahalan.. (sabay titig sa isa’t isa at humigpit ang holding hands)
driver: eto ang sukli..( thought bubble ni manong: sana tubuan naman kayo ng kahihiyan!)

mahihiya naman sina Daniel at Kathryn sa inyo..
mainit na nga ang hulab..
maluwag naman ang jeep..
hindi naman valentines day..
at hello! Nandito kami..
napaantanda na nga si lola..
pilit kayong nagsisiksikan jaan..
at parang mga ahas na naglilingkisan..
biktima ng karuwagan..

pda ang tawag nila jaan..
public display of affection..
hhww..
kandungan sa park..
etc..etc..

pero pag nakasakay naman sa jeep..
pede ga namang pigilan..
ang nag-aalab na pagmamahalan..
ang masidhing lambingan..
ang kulbitang kaina-inaman..
ang mga berbong ligawan..
hindi pede ang walang pakialamanan..
nakakaasiwang pagmasdan..
masiklong huwaran ng kabataan..

nawa ay igalang..
pampublikong sasakyan..
pansamantalang tumimo naman..
hindi lamang kayo ang lulan..

takes all the stress away...


Saturday, February 23, 2013

daddy's happy view

ruan playing with izaak..
mommy's delight..
daddy's happy view..

why why why


why am i so naive..
why do i always escape..
why shall i pretend..
why could we not control..
why can we just stay the same..
why did it have to be soon..
why should something just go..
why does it have to change..

Saturday, February 16, 2013

jeepney chronicles part 4: paki-abot naman po ng bayad

minsang sumakay ako sa jeep..

kailan ka nagbabayad sa jeep??
ako depende..
pag mahaba ang biyahe..hindi muna..
baka masiraan kaya..
pag me naramdaman akong tiwala sa jeep..
agad-agad para ndi makalimot..

at kung bayaran ang usapan..
hindi mawawala ang abutan..

malas mo kung malapit ka sa tsuper..
kasi halos lahat ng pera..
aabutin mu..dadaan sa'yo..
kulang na lang e ikaw ang magsukli..
at me tsuper pa na maikli ang mga kamay..
hindi man lang inuunat ang bisig..

e yung mga taong uupo sa likuran..
e dalawa lang kayong nakasakay..
binigyan ka pa ng obligasyong umurong paunahan..
maiabot lang ang kanyang bayad..
kung matanda e oki lang..
pero kung malakas pa sa kalabaw..
pede namang umupo sa malapit sa driver..
hindi nangangagat yan..

e yung magbabayad ka..
tapos wala ni isang magmagandang loob..
na ipasa ang pera sa tsuper..
yung isa e natutulog..o nagtutulug-tulugan..
yung isa e nag-tetext..
yung isa e busy sa playstation..
yung isa e dun sa labas nakatingin..
yung isa e halatang ayaw ka lang pansinin..
yung isa e muka namang lasing..
ang teknik jan..
laksan ang boses..
"PAKI-ABOT NAMAN PO NG BAYAD!"
sabay sagi ang kamay mo sa inaabutan mu..
kunwari e umandar ang jeep at natapik mu..
simple pero epektibo..

at ang sunod sa bayaran e suklian..
kailangan listo ka..
at kailangan bantayan..
may pagkakataon na nagkakapalitan..


pag oki na..
magpasalamat naman..
dapat e nagtutulungan..

pag sakay ka sa jeep..

hindi ka basta pasahero lang..


Sunday, January 27, 2013

2 months na si reizo!


mommy and reizo blowing the candle..
make a wish..


i so love this cake..
caramel cake bought from a leading bakeshop..
looking forward to eat more in the future..

Sunday, January 13, 2013

bus chronicle na naman

siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..

sa hindi inaasahang pangyayari..nasadlak na naman aq sa isang sitwasyong kailangan irefund na naman ang pamasahe namin sa bus..kundangan naman yung pick-up e kinat ang bus..eh bitin pala..eh di bangga..

baba si manong driver ng pick-up..umuusok ang ilong..baba din si driver ng bus..ako naman e ndi first time makaranas ng ganito..siyempre..amoy refund na naman ito..punta na kaagad ako sa konduktor..ilang minuto din ang lumipas..walang magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali..

"kuya, eto ticket ko..kahit otso na lang..baka ma-late pa ko eh.." nagdrama pa ko ng konti sa konduktor..

"sandali lang po a.."sagot naman ni kuya na hindi nawawala ang mata sa nagtatalong mga drivers..

"otso lang kuya..dali na at kanina pa kami nghihintay.."ang kulit din ng lahi ko ano..

"sandali lang po sir a.." deadma lang ang peg ni kuya..

konting-konti na lang ang pasensya ko.."sige na kuya..male-late na 'ko!" masmataas na ng konti ang boses..

"..anu ba manong! kinat mo na nga kami tapos kami pa ang may kasalanan.." kinat ko na din ang mga bad words ni manong bus driver..

"anong ako..basta..tatawag ako ng pulis!" habang natagal ang diskusyon e maslumalakas ang mga boses nila..

siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..

"kuya otso lang.." at nung nakita kong nagkamot na ng ulo si kuya e nagkita na'ko ng konting liwanag..#kamote

sa wakas..refund..refund..refund..at madaling bumaba ako ng bus..bumakay ng jeep..buti na lang at nasa circle na..masmadali sumakay dito..

at me bonus pa pala ako..sampung piso pala ang binigay ni kuya konduktor nung binilang ko sa jeep..#alliswell..




izaak christening tarp