sabi nila.. pag nagkapamilya ka na daw.. mag-iiba na ang lahat..
tama sila..
kung dati e sarili mo lang madalas ang
iniisip mo.. kapakanan na nila ngayon ang tumatakbo sa isip mo..
masmaingat ka na ngayon.. kasi iniisip
mo.. paano kapag may nagyaring masama sa'yo.. paano pamilya mo.. gusto ma pa
siyempre makasama sila ng matagal at makitang maayos ang kalagayan nila..
bawal magkasakit..at kung sila ang may
sakit..gagawin mo ang lahat..maging maayos lang sila..
may kontrol ka na rin sa pag-gastos..
mapapansin mo lahat ng presyo ng mga bagay e kinukumpara mo minsan sa presyo ng
bigas, gulay, prutas, diaper, gatas o tuition..
dati e enjoy ka sa mga gimik at kain sa
labas.. ngayon masgusto mo na lang sa bahay na magdiretso.. ang kanilang mga
ngiti ay sapat na upang pawiin ang pagod ng maghapon..
may halaga na ngayon ang bawat
oras..hangga't maari ay maibuhos ito sa kanila..at walang panghihinayang kung
kasama sila..oras sa pamilya ay oras ng saya..
hindi maiiwasan ang problema..basta ang
mahalaga..handa kang harapin ito..handa ka sa lahat ng hirap..handa kang
magdesisyon at isipin kung ano ang nakabubuti..
sabi nila.. pag nagkapamilya ka na daw..
mag-iiba na ang lahat..
tama sila..
No comments:
Post a Comment