ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Monday, May 17, 2010

himutok ng isang pinoy sa halalan, pamahalaan at iba pa..part 2

sino sa inyo ang bumoto?

kung oo ang sagot mo..baka makarelate ka dito..

mayo adiyes..pambansang eleksyon sa pilipinas..excited ang lahat..este ako lang siguro kasi first time na makararanas ang mga pinoy ng automated elections..sosyal..biruin mo..akala ko e hindi ito matutuloy pero ito na at nabigyan tayo ng pagkakataong patunayan na kaya nating sumabay sa kaunlaran ng mundo..

alas otso na..minabuti ko kasi kumain muna bago magtungo sa paaralang pagdarausan ng botohan sa aming barangay..nagshorts na lang ako at masingkad ang sikat ng araw..mabanas..kundangan na nga laang..gusto ko subukin ang automated na iyan..at makita sa personal ang pcos machine..

naalala ko pa noon..madalas akong third member kasama ng mmga ulirang guro pag eleksyon..raket kung raket..kahit mangalay ang binti ko pag bilangan na at sabay na sisigaw ng "diagonal" para malaman kung tugma kami ng vice chair sa tarahan.. tres mil din yun..libre lunch at meryenda pa..san ka pa..

e ngayon kaya..paano ang siste..

lakad..lakad..lakad..malayo pa sa gate ng iskul e dudumugin ka na ng kung sinu-sino at ibibigay sayo ang mga tarheta ng mga kandidato nila..hindi ko na nga pinapansin e at pampakalat laang..pero kasama pala dito sina mare at pare kaya tinanggap ko na din at kahiyaan na..pamaypay din..naisip ko lang na sana tubig o meryenda na laang ang pinamigay nila kasi kakailanganin pala ito sa mga susunod na kabanata..

dating sa iskul..aw..andaming tao..nakapila..teka nasan pala ang presinto ko..sa kabutihang palad e dinala ako ng mga paa ko sa tamang daan at humantong sa tamang pintuan..kuhanin ko muna daw ang number ko sa presinto at kumuha ng stub kay ka kulas..mabilis ko namang nakita ang pangalan ko sa listahan..at ito na ang simula ng kalbaryo..

nakita ko pa ang inay na siguro pang labinglima na sa pila..siyempre tumabi ako ng kaunti..aba at ang pagkakasabi "oy, dun ka sa likod at nakakahiya"..hindi naman ako sisingit..ang inay talaga..pero naisip ko..kanina pa alas siyete yun umalis ng bahay a..aw..anung petsa kaya ako makakatapos nito..hayun ang dulo ng pila..&^$%#(*&%$..pang siyamnapu pa ata ako a..

kailangan ga talaga nating danasin itong mga paghihirap na ito upang magampanan ang ating tungkulin sa bayan at mangyaring karapatan na rin natin bilang pantay-pantay na mamamayan tuwing halalan..akala ko pa naman e mapapadali na ng automated election ang botohan..maslalo atang nagkagulo..at marami sa nakikita ko e nawalan na ng gana bumoto nung makita ang mahabang pila at isama mu pa ang init ng panahon..hindi mu rin sila masisisi..sayang daw ang oras..yung isa e maglalaba pa daw..yung isa naman e magtitinda sa palengke..yung isa e kailangan na din mag-time-in sa opisina..buti na lamang at alas dos pa ang duty ko..pero sabi ko e pag als onse na e uuwi na din ako at sa diliman pa kaya ako duduty..

alas nuwebe..pawisan na naman...lintsak..mag-isa pa ko dito..wala man laang makapulong..ang pila e usod pagong..datingan pa ng datingan ang mga senior citizen..siyempre sila e priority sa pila..wala akong problema sa policy na yun pero sana sa susunod e ihiwalay n lamang sila ng presinta dahil sa tingin ko e masbumabagal ang proseso..kawawa naman ang ibang nagmamadali..sige po lola..kayo po muna..pero yung dun sa mga sumisingit..mahiya naman sana..kapal talaga ng apog ng ibang tao..relax..breathe..calm down..tubig nga..talaga..kung sino mang kandidato ang nagbigay sa'kin ng tubig sa oras na iyon e siguradong single vote ako sa kanya..pero wala e..tiis tiis muna..

alas diyes..nakikita ko na ang pintuan ng presinto..parang pintuan ng langit na nagliliwanag..sige po lola, kayo po muna..

alas diyes y medya..kahit me buntis jan e hindi na ako aalis dito sa me pintuan..ako na ang sunod..at pinapasok na nga ako..binigay na sa'kin ni chairman ang mahiwagang balota..at pinaupo ako sa upuang pang-elementary..ito pa ata yung desk na inupuan namin nung dito pa ko pumasok..labinlimang taon na ata ang nakakaraan..

pag-upo pa lang e dumali na ko ng pagbibilog..mahirap din pala magbilog..maliit lang yung bilog na hugis itlog tapus pentel pen pa ang gamit..napansin ko rin na nagbblot o namarka sa ilalim kung napainam ang shade mu sa isang bilog..ito siguro ang dahilan kung bakit invalid ang ibang balota..dapat cguro sa susunod e masmakapal ang papel o ibang pansulat ang gamitin..wala pa ata tatlo minuto e tapos na ako..rush e..

this is the moment..ipapasok na ang balota sa pcos..medyo kabadista nga ako at yung sinundan ko e iniluluwa yung kanyang balota..umayos naman nung patatlong try na..ito na talaga..bahagyang isinubo sa machine ang papel..pasok..hintay ng konting segundo..dug dug..dug dug..congratulations!..yehey..success..at nakita ko na si chairman na nakangisi din..oki na daw..tapos na ako..thumbmark..thumbmark..pirma pala..indelible ink..tapos..sarap ng feeling..pag pinagpaguran mo talga ang isang bagay e masmalaki ang balik sa iyong pakiramdam ng kaligayahan..

at sa paglabas ko e mapapansin kong maslalong humaba pa ang pila..gud lak..papunta pa lang kayo..pabalik na ako..haha..yabangan na..

nagmamadali na nga ako umuwi para umabot sa duty ko..

wishlist:

naisip ko lang..sana next time po e masmadami na ang mga presinto at hindi pinagsama-sama sa isang cluster ang apat hangang limang presinto..sana po e me libreng tubig sa mga presinto..sana po e pedeng sa internet na lang po bumoto (suggestion lang po)..sana po e ilimita na ang mga kandidato para hindi masyado marami ang pagpipilian..sana po e masmarami ang chair sa bawat presinto para masmabilis ang proseso kasi merong nagtatagal bumoto..sana po e pagbawalan na lang ang mga namimigay ng mga tarheta sa daan (basura lang po kasi ang lahat matapos ang lahat, sayang naman)..sana sa sunod na halalan e mapagtanto ng lahat ang mga naging kakulangan upang itio ay matugunan..at sana maaga pa lang e maghanda na ang comelec para hindi sila nagkukumahog sa schedule..

3 comments:

ninyadwenyasdimaculangan said...

ang pakikipagsapalaran ni juan dela cruz, este ni djdmaxxx pala... wala akong planong awayin ka, maganda nga ang pagkakalahad mo, sobrang descriptive at habang binabasa ko e hindi ko mapigilang tumango-tango at mapangiti dahil ganon din ang naramdaman ko... kaya nga laang, me nakita lang ako na inconsistency, sabi mu sa part1 "nakakahiya kung iboboto natin ang kandidato dahil inilibre tayo ng pamasahe" pero sabi mo sa part2 "i-si-single vote mo ang kandidato na magbibigay sa 'yo ng tubig noong nasa pila ka"... nasaan ang prinsipyo dun.. ipinagkanulo ka ng sarili mong mga himutok... sa ganang akin, kung susumahin at susuriin ang "voting behavior" ng mga electorates, kalimitan kundi man halos lahat, ay personal ang mga dahilan, kesyo kilala tayo ng kandidatong ito at may magaganansya tayo dito in one way or another... trivial tulad ng pagkatighaw ng uhaw mo sa pila noong eleksyon o substantial tulad ng ipinangakong trabaho o pabor na makapagpapabago ng ating buhay... pero ang bottomline, pansarili ang reasons natin..."charge it to experience" na nga lang 'ika nga, at 'wag nang ulitin ang mga pagkakamali, mag-move-on, at ipagdasal na lang natin ang ating bayan... at syempre lakipan ng gawa ang dasal... oy, comment lang pala ito, parang nag-mini-blog na rin ako a hehe, yaan mo na at na-carried away lang... basta ayos tayo a (peace tayo) ;p

Unknown said...

oonga anu..ndi ko rin yun napansin..

cguro dahil magkaibang araw ko talaga ito isinulat..yung isa e bago mageleksyon, yung isa e after mageleksyon..mapapansin ang idealistic na pananaw ko sa una pero nakakahiya man e yun talaga ang naramdaman ko nung nasa pila ako..nag-iiba ang tao pag gutom..in my case e uhaw..

isang pinoy nga ako..tipikal sigurong maituturing..hindi ako perpekto..pero nagnanais pa rin ng pagbabago..at tulad ng lahat e naasang ang susunod na lideratong maiihalal ang magdadala sa'tin sa tamang daan..c",)

ninyadwenyasdimaculangan said...

meron kasing mga tao na napakadaling maghusga, masyadong self-righteous, laging sinisisi ang masa, kesyo daw mababaw at hindi nag-iisip ng tamang iboboto... pero sabi mo nga, nag-iiba ang tao 'pag gutom... maiisip mo pa ga ang pangkalahatang kabutihan (general welfare) kung kumakalam ang iyong sikmura... very human di ga... ang masakit lang, patuloy na ginagamit ang masa ng mga trapong mapagsamantala...kahit hindi nanalo ang mga ibinoto ko, ayos na rin, dahil nabago na ang liderato... ang tanong, magbago kaya ang sitwasyon/kondisyon natin? bago nga ang mga tao pero ganun pa rin ang sistema... wala din.. (sigh)