ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Thursday, May 6, 2010

himutok ng isang pinoy sa halalan, pamahalaan at iba pa..

hindi pa naputok ang haring araw..bigla na lamang narinig ang isang ingay sa labas..malakas..nakakarindi..naku..nambulahaw na naman ang jingle ng kapitbahay kong konsehal..automatic yan..naghanay na ang mga naka-kulay berdeng vest..naghahanda sa kampanya..eleksyon eh..

labas ng bahay..nakakadismaya..binungkal na naman ang maayos naming kanal at gagawin na naman..sumali pa ang mwss at binungkal na rin ang gitnang daan..me nasirang tubo ata..at pag minamalas naman talaga ang kalye matiyaga ng quezon city..wari mo e binalatan ang daan kaya eto..bago makarating ng bahay e gapulgada na ang kapal ng putik sa sapatos sa konting ulan..eleksyon eh..

lalakarin ang kahabaan ng bir road..naku..wari mo e piyestang bayan sa dami ng nagsabit na kung anu-ano sa mga puno at poste..mga banderitas ng mga kandidatong "nais maglingkod sa bayan"..nagkapit ang mga posters ng mga nais mahalal upang "baguhin ang bugtot na pamahalaan at simulan ang kaunlaran"..nakakatuwa naman at marami palang taong may makabayang intensyon upang paunlarin ang ating bayan..pero mukhang lahat ay panaginip lang..at kapag nagising ako ay gugustuhin mu na lang na nagpuyat ka na lang imbes na napaasa pa ng mga mabubulaklak na pangako na makaraan ng halalan ay waring dumaan lang sa hangin..

hindi ko naman sila nilalahat..meron namang maayos na mga namumuno sa bayan..ngunit bakit dumadating sa punto na minsan e pinagsisihan ang ginawang pagboto sa kandidatong pinaglaanan..mahirap rin para sa ating mga mamamayan pumili kung sino ang nararapat..hindi naman porke berde ang paboritong kulay e iboboto ko na si gibo..huwag naman sana ganoon kababaw..hindi naman porke nabigyan tayo ng pamasahe pauwi e iboboto na natin si mayor..nakakahiya..ngunit minsan may taong ipinagmamalaki pa ang ganitong kahantungan..

teka lang..may namimigay ng rosas..kakaiba talaga..parang nanliligaw a..lahat na ata ng gimik e naisip na nila..nariyan ang tradisyunal na pamimigay ng pagkain..pagsasapit ng mga medical missions..libreng konsiyerto..libreng pamaypay..libreng kalendaryo..libreng kiss..libreng pasine..libre nga kaya lahat ng mga ito..sabi nila..ang singilan nito ay pagkatapos ng halalan..bawi naman daw ang lahat..tubo pa..

tuloy ang lakad..tatahakin ang landas na maputik..iwas sa baha..ilang halalan na rin ang dumaan..maari kaya nating sabihin na ginawa natin ang nararapat..naihalal kaya natin ang tunay na may malasakit..ang tunay na may kakayahan..paano nga naman kung wala naman mapapagpilian..parepareho lang na gahaman sa kapangyarihan at ninanais lamang lustayin ang kaban ng bayan sa pansariling interes lamang..tuloy ang lakad..baka mahuli sa trabaho..mahal na rin kasi ang pamasahe..maglakad na lang..ehersisyo na rin..makikita ang kalagayan ng madadaanang kabahayan..marami pa rin iskwaters..marami pa rin ang tambay..marami pa rin ang namamalimos..nasan ang pinangakong pabahay..nasan ang pinangakong trabaho..nasan ang pinangakong kalinga..

bigla bubusina ang isang fortuner sa kalye..red plate..tabi tayo..walang patawad yan..sila pa nga galit..pwede naman siguro sumunod sa batas trapiko..hayun pinalamapas na ng pulis trapiko..hahayaan na lamang gang ganun lagi..

liliban muna sa kalye..malapit na sa patutunguhan..naisip ko din naman..bakit ga lagi na lang nating tinutuligsa ang pamahalaan..baka naman hindi talaga sila ang may gawa nitong ating masamang tinatamasa..kasama tayo sa sistemang maaring nagpapaurong sa ating kaunlaran..nariyan ang katamaran..puro asa na lamang..korapsyon hindi ba ga tayo rin ang nagsisimula nito..hinahayaan nating mangyari ito..na tayo mismo minsan e walang patumanggang makibahagi rito..

tunay ngang mahalaga ang darating na halalan..sana naman e hindi masayang ang binigay asa atin na karapatan..isa rin itong tungkulin upang maging bahagi ng pagbabagong inaasam..pagod na ako..pawisan na..pagsainit naman dito sa pilipinas..el niño daw..pero ang totoo e dahil na rin ito sa pagtampalasan natin sa ating inang kalikasan..polusyon..walang habas na pagputol sa ating mga puno..

ala..magaling pa e makapagpahinga na..este trabaho muna pala..mahirap na masisante..sa sampung job fair na puntahan mu e sa call center ka lang mapupunta..tsk tsk..bakit kaya ipinagmamalaki ng gobyerno na gawing call center spot ang pilipinas samantalang alam naman natin na ito ang isa sa pinakastreesful na trabaho..puyat ka na nga e pinuputakte ka pa ng mura ng kliyente at pag minamalas ka e bigla mu na lang malalaman na sa isang linggo e may tanggalan na ulit..bakit naman parang pinapatay na tayo ng mga nakaisip nito.."how morbid?!"

prrrrttttt..awat na..ayoko namang maging nobela ang akdang ito..siguro e sa part 2 na lang ang iba..sana lang e me napulot ang nagtangkang bumasa nito..maliwanagan ng konti..malaman na hindi siya ang nag-iisang reklamador sa mundo..

No comments: