ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Friday, February 20, 2009

samu't saring pagmumuni


ganoon talaga kaibigan

mayroong mga sandali..
hindi mo malaman..
gusto mo na lang muna tumigil ang mundo..
ayaw mo muna umusod ang buhay..
pakiramdam mo e kailangan mo muna ng pahinga..
naririndi sa ingay ng mundo..
puno na ang salop
pero patuloy pa rin
ang pagbagsak ng mga butil ng kalungkutan..
pinipilit mong tumakbo palayo..
pero imposible..
dadaan pa rin ang oras..
wala kang ligtas..
wala kang kawala..
hindi mo namamalayan..
dinala ka na din ng agos..
minsan talaga malupit ang tadhana..
may araw na talagang hindi sa iyo..


si juan ka ga?

madalas e nasasayang lang
sa mga walang kabambanang bagay..
palaging ganoon ang tao
kung palaging pagpapadali ang nasa isip niya..
uupo dito..hihilata doon..
ayaw mag-aral..
ayaw magbanat ng buto..
asa na..
imbis na lumakad upang malayo ang marating..
maghapong nakatengga..
nakatanga..


tantanan nyu na

ano ga talaga?
parepareho..
walang pagkakaiba..
ipipilit lalong nagngingitngit..
sobrang kulit..
hayaan nyo na muna..
hihinga lang ng konti..
kailangan lang ng puwang..
sandali..


bangon na

wala ng patumpik-tumpik pa..
isipin ang araw
ay magiging masaya..
imulat na ang mata..
magpasalamat ka..
tumulong..sumulong..
maging biyaya sa iba..
tanggapin ang tadhana..
kaya naman..
kilos na..ngayon na..
para bukas ay mashanda ka..

No comments: