ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Wednesday, February 4, 2009

para kay b : isang parerepaso

mapangahas at kakaiba..bagamat ang kwento ay masasabing pawang liktong isip lamang..nasasalamin pa rin dito ang mga tunay na nangyayari sa ating buhay..


marahas..masakit..masarap..hindi mo inaasahan..nakakaaawa..ilusyon..hindi patas..inspirasyon.. pag-asa..kabiguan..pagiisang katawan.. masasandalan..emosyonal..kabaliwan..pighati.. nakakatawa.. maramihan..iisa lamang..magpakailanman..sandali laang..ang pag-ibig.. maraming kaakibat na damdamin at kaisipan..sa mga maiikling kwentong isinatitik ni ricky lee..mababanaag ang hapdi at pagsubok ng taong nagmamahal..


ika nga sa libro..apat lamang daw sa limang umiibig ang magkakamit ng kaligayahang minimithi..maaring totoo..maaring hindi..isang teoryang nais patunayan ng mga karakter ngunit pilit rin namang pinaglabanan sa konklusyon ng kwento..


ang mga karakter na ginamit ay masasabing "stereotype"..datapwat nakatulong itong mapadali ang pag-unawa sa bawat tauhan..tipikal pa ring maituturing ang katauhan ng mga karakter..ang masamang pulitiko..ang mabait na magulang..ang mapagmahal na asawa..ang naglantad na binabae..ang tagong tomboy..ang mapaghiganting naapi sa simula..ngunit ang tipikal nakatauhan ay nararapat lamang upang mabigyang buhay ang realidad na istilo at ipakita ang layuning halos magkakatulad lamang ang mga tao pagdating sa larangan ng pag-ibig..


sa isang upuan ay makakarating ka sa isang mundong gawa ng isang manunulat tungkol sa isang manunulat..hindi ko alam kung si lucas ay nagsasalamin sa buhay ni ricky lee..siguro ay ito rin ang nararamdaman ng manunulat sa tuwing maghahabi siya ng isang katha..maaari kang balikan ng mga karakter na iyong likha..


mahusay si ricky lee..hindi matawaran ang kanyang istilo at atake sa mga eksena..kung nais mo ng isang kakaibang babasahin..subukan mong basahin ang aklat na ito..mapapansin mo na lang na bigla kang tatawa..bigla kang maaawa..bigla kang malulungkot..bigla ka magugulat..bigla na lang mapapansin mo na patapos na..

No comments: