ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Tuesday, February 26, 2008

Bugambilya

(inspired by M. I. Garcia's book, Science Solitaire..just wanna make my version of her first title in the book "Bougainvilla", which, by the way, captured my eagerness to write in Tagalog once more..)

imbes na repasuhin ko ang libro, naisipan ko lang n gumawa ako ng sariling kwento ko kakabit ang bulaklak na ito. kakatuwa laang kasi pinahiram lang ito ng tita marlen saken (bespren ng tita lalen)..natripan kong basahin..kakaiba ang istilo at may nakaukit na emosyon at maka-agham na impormasyon sa paglalahad ng isang maikling kwento..
ito ang kwento ko...

pag nakakita ka ng bugambilya..ano naiisip mo? o hindi mo alam kung anu yun? bulaklak yun, tangi! kala mo bastos..

ang bugambilya, bougainvilla sa mga inglesera, ay isang uri ng bulaklak na natubo sa lupa (dyok!)..yung halaman na nagmula pa sa brasil at ngayon ay tipikal na makikita sa timog amerika at sa iba pang tropikal na lugar sa mundo na isa na dito e ang pilipinas..at syempre meron nyan sa batangas..para sa masmagandang tubo at bulaklak, kailangan daw e mayaman ang lugar sa sikat ng araw at may mahabang panahon ng pagtutuyo sa pagitan ng pagdidilig..gets mo..ayaw daw nito ng nilulunod sa tubig..madali itong lumago at matibay kahit tagtuyot..may kulay pula, dilaw, puti, dalandan at maaring maghalo rin depende sa pagkaka-culture dito..

dahil nga mahilig sa paghahalaman ang mga kasama ko sa bahay..natural..may bugambilya sa bahay..lahat ng kulay..ilista mo pa..

tanda ko nga nung bata pa ko at sinasama pa ko ng namayapa kong ama sa batangas high, ginagawa naming cr ang paso ng bugambilya kasi daw maganda daw sa halaman ang ihe..hanggang ngayon naman eh buhay pa siguro yun..e totoo kaya yun?

at sa kadamihan nga ng halaman sa aming bahay..kahit sa bubong namin e naghanay ang mga paso..at dati nga e ako ang katulong ng tita ethel sa pagdidilig ng mga 'to..

tanda mo ga pag flores de mayo? pupunta ang mga bata sa tuklong para makakain ng busa, pande agua, o sopas..parte ng tradisyong ito ang paghahagis ng bulaklak sa santo..hayun ang mga bata..pinuteh na ang mga bugambilya at nagagalit na ang mga lola at hindi na nagtira..

ito ang hindi alam ng lahat..ang totoong bulaklak ng bugambilya e yung mga maliliit na piraso sa gitna ng makukulay na dahon..opo, ang mga makulay na akala mo eh bulaklak e yun e mga dahon..parang ponsetya..may espesyal na dahon na animoy parte ng bulaklak..

kaw? ano kwento mo?

2 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

magaganda tlga mga view sa batangas.. this summer ppntahan ko mga relatives ko sa alitagta at agoncillo