ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Sunday, November 18, 2012

ang swerte ko daw

ang swerte ko daw

Madami nagsasabi ang swerte swerte ko daw..
nanalo lang sa raffle, swerte na kaagad..kunsabagay ang saya nga naman pag nanalo ka sa raffle..biruin mo..sa daan-daan o libo-libo pang nakanganga at nanalangin na manalo..jackpot talaga..pangalan ko ang tinawag..last week lang e nanalo ako ng canon na digicam..sosyalan at touchscreen pa..nung christmas na bagong kasal lang kami..nabola rin ako sa Christmas basket at nung gabi e cellphone naman..noong nasa binan pa ko..christmas party raffle nakapanalo ako ng turbo broiler at nung sumunod e electric fan..in fairness noh..

sa kabilang banda..hindi naman porke hindi ka nananalo sa raffle e hindi ka na swerte..may ibang bagay naman na dapat pinagpapasalamat natin..swerte ka nga at nababasa mo ito..ibig sabihin e malusog pa mga mata mu..mahirap din maging bulag..maswerte ka nga at nababasa mo ito..ibig sabihin e nakakapaginternet ka..yung iba nga e ni hindi nakakakita ng computer o cellphone..swerte ka nga at kumakain ka ng tatlong beses sa isang araw.at madalas e me bitbit pang meryenda pg napasok..yung iba nga e ni hindi pa nag-aagahan e kayod na sa kalsada para me panghapunan man lamang..
at kung iisipin mo lang ang mga bagay na meron ka ngayon..mapapagtanto mo sa sarili mo..ang swerte swerte mo..

pero wala din naman masama manalo sa raffle paminsan-minsan..hehe..malapit na ulit ang christmas party..anu kaya ang grand prize..

No comments: