ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Monday, July 18, 2011

libre lunch libre concert

nitong sabado lang..kahit me kainitan ang panahon..tagaktak na talaga pawis namin e tuloy pa rin ang lamyerda naming mag-asawa..

first stop...punta sa birthday party ng pamangkin ko sa kuya ongki..si nicklaus e 3years old na..sayang nga laang at nasa abroad pa ang ama..masaya ang party..children's party syempre kaya me baloon at magic show..in fairness magaling mag-show yung nakuha nila..kahit simple lang ang magic tricks e dinaan naman sa patawa..kahit nangawit ng konti ang bisig ko sa pagkuha ng video e ox lng kasi nakuha ko naman ang moment..

alas dos makatapos ng party e tinahak namin ang papuntang sm north..nagbakasakali kam na makabili ng mga items para sa pinapaayus naming condo unit..nakakita naman kami ng rangehood sa the block..sana e kahit sale namin nabili yun e tumagal naman..

at ito talaga ang winning moment ng araw na ito..nakapanood kami ng libreng concert ng isa sa pinakamagaling na banda dito sa pilipinas..SIDE A lang naman sila..oo..at take note..swerte talaga ang buntis at naka-upo pa kami..nostalgic nga..sobra..naalala ko tuloy na bumili pa ako dati ng tape nila..ang tape na walang side b..puros side a kasi (kornix!)..hindi pa uso ang cd dati e..hehe..galing nila..at walang kupas ang boses..panalo talaga ang forevermore..ang saya talaga pag libre..

pansin ko lang sa audience..typical na filipino audience..medyo passive..pwede naman mag-enjoy..seryoso masyado ang iba..parang nanonood ng opera..hehe..o talagang nagkataon lang na ang nakapanood e hindi masyado fan ng banda..

Thursday, July 14, 2011

kulang na lang..bibig mu..weeeeehhh!

minsan kinailangan namin kumain sa labas at medyo alanganin na magluto ng hapunan at gutom na ang kumakalam na tiyan..dahil nga gusto ni misis ng siomai..siyempre nasa philcoa area lang kami..sa chowking kami babagsak..

pagkagaling sa cr..umorder na kami..si misis e shanghai lauriat..ako naman e yung pinagmamalaki nila sa commercial na chinese-style fried chicken..matindi din ang marketing nila sa produkto nilang ito kaya ako naman itong si curious consumer..try q nga..sa madaling sabi e umorder aq ng 1-piece with rice..

hanap ng table..kain..

excited..tinikman ko na ang manok..sabi nga sa commercial..kulang na lang e bibig mu..eto na nga ang bibig ko..e nasan na ang masarap na manok..no offense meant..nothing special..at maliit pa serving size..buti na lang kamo at umorder ako ng tokwang may toyo..este tofu pala..
medyo disappointing yung experience..baka dahil nag-expect lang ako ng mataas..at yung isa pang tag line..lutong and linamnam in one..sana nmn e it would live up to its advertising promise..

ndi ko naman inaasahan na maungusan nila ang chickenjoy o ang dokito..pero sana walang false advertising..kahit mahal..basta masarap..

sorry na nga lang..baka "it's just a bad day"..nagkataon lang..chow!