ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Thursday, January 20, 2011

Sa Nugnog ng Kaligayahan

Bumangon ng may ngiti sa labi...
Sabik sa hatid ng bagong umaga...
Ninanamnam ang pagsilay ng sinag ng Haring araw...
At malamyos na dampi ng hanging amihan...
Hinawakan mo ang aking kamay at dinama ang init na dulot nito...
Humugot ng malalim na buntong hininga...
Nanunuot sa aking balintatao ang halimuyak ng iyong bango...
Ikinulong kita sa aking mga bisig at nadama ang galak na kumiliti sa aking puso..
Mataginting na halakhak...
Ang pagdaiti ng ating mga kamay..
Habang inuusal ang mga salitang..
Nagdudulot ng ngiti..
Umiindayog sa saliw ng musika...
Nakatitig habang nakapinid ang mga mata..
Nakakintal sa aking isip ang iyong manipis at mapulang labi..
Muling huminga nang malalim..
Muling ngumiti...
Matagal akong nanatili sa ganoong pigura...
Inusal muli ang mga kataga...
Habang dumadagundong ang tibok ng puso..


(this is a detailed "tagalog" translation done by my wife, niña, for my previous blog..i just love this..really not a simple translation but a brilliant play on root deep dialect terms..c",)

2 comments:

ninyadwenyasdimaculangan said...

the filipino visitors can relate to this.. foreign blogsite visitors of my husband are encouraged to do their respective translations.. :)

Unknown said...

anu nga kaya kung may french or thailander na matripang itranslate ito..hehe..

wish ko lang..hehe..malay mu..