izaak at his 7th month>>June 22, 2013
Saturday, July 20, 2013
Saturday, June 1, 2013
jeepney chronicles part 6: kwentuhang wagas
minsang nakasakay ako ng jeep..
may isang grupong nagsakayan..
mga kababaihan at kabataan..
inokupa ang mga bungi sa upuan..
ngunit kahit malayo ang mga kinalagyan...
diretso ang kwentuhan..
makinig sa kanila ay hindi maiiwasan..
kahit tenga ay takpan,,
masasagap ang tsismisan..
mukhang may dinayong kasalan..
at mukhang hindi nila nagustuhan..
inisa-isa ang hayin sa hadaan..
ang luto at lasa ay hindi raw kasarapan..
pati traje de boda pinag-usapan..
halata raw na bukol na ang tiyan..
ako naman itong nakikinig lang..
hindi ko malaman..
apektado na sa nasasaksihan..
maiwaksi sana ang nararamdaman..
pagod ay lalong nadagdagan..
gusto sana ay katahimikan..
publiko man ang sasakyan..
sana ay may paggalang..
sana ang usapan..
ay sa inyo na lamang..
mga dila sana ay pigilan..
kung sasambiti’y ‘di kagandahan..
kahit pasahero lang..
gusto rin ng kapayapaan..
Saturday, May 11, 2013
jeepney chronicles part 5: kaltingan sa sasakyan
minsang nakasakay ako ng jeep..
isa munang jeepney joke jaan:
lalaki: bayad po manong.. (iniabot ang kulay ubeng isang daang
piso)
driver: saan galing?!
Lalaki: sa dalawang pusong nagmamahalan.. (sabay titig sa isa’t
isa at humigpit ang holding hands)
driver: eto ang sukli..( thought bubble ni manong: sana tubuan
naman kayo ng kahihiyan!)
mahihiya naman sina Daniel at Kathryn sa inyo..
mainit na nga ang hulab..
maluwag naman ang jeep..
hindi naman valentines day..
at hello! Nandito kami..
napaantanda na nga si lola..
pilit kayong nagsisiksikan jaan..
at parang mga ahas na naglilingkisan..
biktima ng karuwagan..
pda ang tawag nila jaan..
public display of affection..
hhww..
kandungan sa park..
etc..etc..
pero pag nakasakay naman sa jeep..
pede ga namang pigilan..
ang nag-aalab na pagmamahalan..
ang masidhing lambingan..
ang kulbitang kaina-inaman..
ang mga berbong ligawan..
hindi pede ang walang pakialamanan..
nakakaasiwang pagmasdan..
masiklong huwaran ng kabataan..
nawa ay igalang..
pampublikong sasakyan..
pansamantalang tumimo naman..
hindi lamang kayo ang lulan..
Saturday, February 23, 2013
why why why
why am i so naive..
why do i always escape..
why shall i pretend..
why could we not control..
why can we just stay the same..
why did it have to be soon..
why should something just go..
why does it have to change..
Saturday, February 16, 2013
jeepney chronicles part 4: paki-abot naman po ng bayad
minsang sumakay ako sa jeep..
kailan ka nagbabayad sa jeep??
ako depende..
pag mahaba ang biyahe..hindi muna..
baka masiraan kaya..
pag me naramdaman akong tiwala sa jeep..
agad-agad para ndi makalimot..
at kung bayaran ang usapan..
hindi mawawala ang abutan..
malas mo kung malapit ka sa tsuper..
kasi halos lahat ng pera..
aabutin mu..dadaan sa'yo..
kulang na lang e ikaw ang magsukli..
at me tsuper pa na maikli ang mga kamay..
hindi man lang inuunat ang bisig..
e yung mga taong uupo sa likuran..
e dalawa lang kayong nakasakay..
binigyan ka pa ng obligasyong umurong paunahan..
maiabot lang ang kanyang bayad..
kung matanda e oki lang..
pero kung malakas pa sa kalabaw..
pede namang umupo sa malapit sa driver..
hindi nangangagat yan..
e yung magbabayad ka..
tapos wala ni isang magmagandang loob..
na ipasa ang pera sa tsuper..
yung isa e natutulog..o nagtutulug-tulugan..
yung isa e nag-tetext..
yung isa e busy sa playstation..
yung isa e dun sa labas nakatingin..
yung isa e halatang ayaw ka lang pansinin..
yung isa e muka namang lasing..
ang teknik jan..
laksan ang boses..
"PAKI-ABOT NAMAN PO NG BAYAD!"
sabay sagi ang kamay mo sa inaabutan mu..
kunwari e umandar ang jeep at natapik mu..
simple pero epektibo..
at ang sunod sa bayaran e suklian..
kailangan listo ka..
at kailangan bantayan..
may pagkakataon na nagkakapalitan..
pag oki na..
magpasalamat naman..
dapat e nagtutulungan..
pag sakay ka sa jeep..
hindi ka basta pasahero lang..

Labels:
dilemma,
filipino,
jeepney chronicles,
patience,
tagalog
Sunday, January 27, 2013
2 months na si reizo!
mommy and reizo blowing the candle..
make a wish..
i so love this cake..
caramel cake bought from a leading bakeshop..
looking forward to eat more in the future..
Sunday, January 13, 2013
bus chronicle na naman
siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..
sa hindi inaasahang pangyayari..nasadlak na naman aq sa isang sitwasyong kailangan irefund na naman ang pamasahe namin sa bus..kundangan naman yung pick-up e kinat ang bus..eh bitin pala..eh di bangga..
baba si manong driver ng pick-up..umuusok ang ilong..baba din si driver ng bus..ako naman e ndi first time makaranas ng ganito..siyempre..amoy refund na naman ito..punta na kaagad ako sa konduktor..ilang minuto din ang lumipas..walang magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali..
"kuya, eto ticket ko..kahit otso na lang..baka ma-late pa ko eh.." nagdrama pa ko ng konti sa konduktor..
"sandali lang po a.."sagot naman ni kuya na hindi nawawala ang mata sa nagtatalong mga drivers..
"otso lang kuya..dali na at kanina pa kami nghihintay.."ang kulit din ng lahi ko ano..
"sandali lang po sir a.." deadma lang ang peg ni kuya..
konting-konti na lang ang pasensya ko.."sige na kuya..male-late na 'ko!" masmataas na ng konti ang boses..
"..anu ba manong! kinat mo na nga kami tapos kami pa ang may kasalanan.." kinat ko na din ang mga bad words ni manong bus driver..
"anong ako..basta..tatawag ako ng pulis!" habang natagal ang diskusyon e maslumalakas ang mga boses nila..
siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..siya na nga ang may kasalanan..siya pa ang may ganang magalit..
"kuya otso lang.." at nung nakita kong nagkamot na ng ulo si kuya e nagkita na'ko ng konting liwanag..#kamote
sa wakas..refund..refund..refund..at madaling bumaba ako ng bus..bumakay ng jeep..buti na lang at nasa circle na..masmadali sumakay dito..
at me bonus pa pala ako..sampung piso pala ang binigay ni kuya konduktor nung binilang ko sa jeep..#alliswell..

Sunday, December 23, 2012
Saturday, December 15, 2012
lunes..bus..malas..
sa saliw ng kantang pamasko ni jose marie chan..tintahak ng bus na biyaheng quiapo ang commonwealth..lunes..kailangan maaga ako makapasok kasi nakapangako ako kay bossing..mapalad naman at may upuan pa noong maksakay ako kahit sa bandang likuran..text text..bigla na laang may kumalabog na wari mo ay may sumabog sa ilalim ng upuan ko..lahat ng mga pasahero ay nabahala at nagkatinginan..
"anu yun?!"
"..patay..anung oras na.."
marahang pinahinto ng drayber ang bus at bumaba ang konduktor..isang minuto na pero wala namang anunsyo..teka meh mali dito..parang nakakaamoy ako ng balik pamasahe ah..ilang minuto rin ang dumaan at nagdesisyon na akong tumayo at pumunta sa me malapit as drayber..me kausap siya sa cellphone..galit na galit..kamote..
"..&#^(^@ %^$)..matagal ko na sinasabi na palitan na yun e..#$%^&..ang *^#^%$..sana inayus nyu na yan dati pa %^#%*#^*%..*^%&^..&$&%.."
madaming baong hinagpis si manong drayber a..at ang lalim ng pinaghuhugutan at ang lutong ng mga pananalita..naghihintay na lamang ako ng anunsyo..nasa meh tandang sora pa lang pala kami..umakyat na si ateng konduktor..at tumkbo na ulit ang bus..ay..false alarm pala..ayos lang..para madali na rin ako makababa mamaya..
tumawid na nga sa tandang sora ang bus..maayos naman ang takbo..
"..%^#&^%.." diretso pa rin ang bunganga ng drayber..
maayos naman ang takbo ngunit biglang nag-anunsyo na si ate..
"baba na lang po tayo..sumabog po ang isang gulog..pakihanda ng mga tiket.."
"#%^$#^4..^%$&^%..*&^%*^ naman oh.." nag-init na rin ang mga pasahero..
mabilis naman akong lumabas ng bus at nakipag-unahan sa balik pasahe..
"..Te, pauna na'ko oh..otso lang..otso na laang.." pero mukhang hindi naman sya nakikinig sa sobrang gulo ng mga taong humihingi ng refund..sinuwerte naman at inabot kaagad ni ate ang tiket ko..biruin mo..bnigyan pa ako ng nwebe..ehehe..
alas siyete na..late na rin ako sa pangakong oras..at mukhang malalate pa sa bondy clock..nakailang go na ang mga sasakyan pero wala ng masakyan..buti na lang at mayroon ding dumating na jeep na walang kasakay-sakay..biruin mo..iba talaga pag si lord ang nagpadala ng tulong..

Sunday, November 25, 2012
welcome to the world reizo izaak
surprised..our second son..scheduled for delivery on december 5..just had his birth last November 22..what a peculiar experience for my wife and for me, too..of course..what's important is that all is well..
Sunday, November 18, 2012
Tambutsuhin ko rin kaya mukha mu
Tambutsuhin ko rin kaya mukha mu
naranasan nyu na gang mabugahan ng usok ng tambutso ng
motorsiklo sa daan..ako madalas..asar talaga..grrr..
Subscribe to:
Posts (Atom)