ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Saturday, December 15, 2012

lunes..bus..malas..

sa saliw ng kantang pamasko ni jose marie chan..tintahak ng bus na biyaheng quiapo ang commonwealth..lunes..kailangan maaga ako makapasok kasi nakapangako ako kay bossing..mapalad naman at may upuan pa noong maksakay ako kahit sa bandang likuran..text text..bigla na laang may kumalabog na wari mo ay may sumabog sa ilalim ng upuan ko..lahat ng mga pasahero ay nabahala at nagkatinginan..

"anu yun?!"

"..patay..anung oras na.."

marahang pinahinto ng drayber ang bus at bumaba ang konduktor..isang minuto na pero wala namang anunsyo..teka meh mali dito..parang nakakaamoy ako ng balik pamasahe ah..ilang minuto rin ang dumaan at nagdesisyon na akong tumayo at pumunta sa me malapit as drayber..me kausap siya sa cellphone..galit na galit..kamote..

"..&#^(^@ %^$)..matagal ko na sinasabi na palitan na yun e..#$%^&..ang *^#^%$..sana inayus nyu na yan dati pa %^#%*#^*%..*^%&^..&$&%.."

madaming baong hinagpis si  manong drayber a..at ang lalim ng pinaghuhugutan at ang lutong ng mga pananalita..naghihintay na lamang ako ng anunsyo..nasa meh tandang sora pa lang pala kami..umakyat na si ateng konduktor..at tumkbo na ulit ang bus..ay..false alarm pala..ayos lang..para madali na rin ako makababa mamaya..

tumawid na nga sa tandang sora ang bus..maayos naman ang takbo..

"..%^#&^%.." diretso pa rin ang bunganga ng drayber..

maayos naman ang takbo ngunit biglang nag-anunsyo na si ate..

"baba na lang po tayo..sumabog po ang isang gulog..pakihanda ng mga tiket.."

"#%^$#^4..^%$&^%..*&^%*^ naman oh.." nag-init na rin ang mga pasahero..

mabilis naman akong lumabas ng bus at nakipag-unahan sa balik pasahe..

"..Te, pauna na'ko oh..otso lang..otso na laang.." pero mukhang hindi naman sya nakikinig sa sobrang gulo ng mga taong humihingi ng refund..sinuwerte naman at inabot kaagad ni ate ang tiket ko..biruin mo..bnigyan pa ako ng nwebe..ehehe..

alas siyete na..late na rin ako sa pangakong oras..at mukhang malalate pa sa bondy clock..nakailang go na ang mga sasakyan pero wala ng masakyan..buti na lang at mayroon ding dumating na jeep na walang kasakay-sakay..biruin mo..iba talaga pag si lord ang nagpadala ng tulong..