ramilandninadimaculangan.usana.com

ramilandninadimaculangan.usana.com
ramilandninadimaculangan.usana.com



happily married ever after..

Daisypath - Personal pictureDaisypath Anniversary tickers

Tuesday, June 24, 2008

Kwentong Batangueño

Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na laang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala naming kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad.

Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay. Oops......awat na.(anonymous writer, but most probably a native batangueño)

Monday, June 2, 2008

akala ko eh kending hubad..

vintage candy memory lane para sa mga kababata ko..aaminin ko na biktima rin ako ng kalokohang tangay ng matatamis na sandali sa pagnguya nito..guilty pleasures ito ng mga paslit na batang katulad namin noon..hindi ko alam kun sino ang sumulat nito pero natuwa ako rito at medyo style din ng idol ko na si bob ong..pero kending hubad talaga sa amin yun, hindi kending hubo (mahalay kasi pag hubo)..

1. KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official
na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint
candy sya(malamang? !) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa
pinakagitna. kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na
nakangite at parang gustong magpasubo na.(paborito ito ng daddy at madalas e nagpapabili xa sa'kin nito tuwing gabi nung nagyoyosi pa siya..)

2. LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o
tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan
ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa
bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya
dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at
pula tapos nakalagay lipps.(meron pa ga nito ngayon?)

3. VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na
mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din
ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa
sa kending toh. (oki lng sa'kin ang lasa nito..)

4. WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending
white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang
ung local version,toffeecaram el ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang
misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung
imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya
eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper
na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!(tanda nyu ga nung pinabalik sa china ang kending ito at me findings n may )

5. PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na
toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa
pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil
figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil
mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang
lasa?..pinya. .malamang..(nakakasugat ito ng gilagid..try mu lang..)

6. VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang
madamot lang tlga at pinalaking dupang?vicks candy.mentholated ang vicks at
dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted
triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng
mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga
ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.(tanda ko nga ito..mura lang din at dalawahan pa..)

7. BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang
peter's butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog
syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal
ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at
kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.(ito ang masnakakasugat ng gilagid..pero nakain pa rin aq..tapos magsisisi pagkatapos..)

8. ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange
slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa
magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun
ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.(nakakatikim lng ako nito pg naluwas ng maynila at sakay sa bus..madalas pagkatapos magsuka sa hilo)

9. TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang
kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early
90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na
makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay
pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang
pinakamasayang purpose ng tootsie roll.(ito ang isa sa paborito q..ang tsokolate ng mga hampas-lupa..hehehe..)

10. ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies. chocolate candies sya na
mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at
maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong
dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang
pinambili.(nakakain na rin ako nito pero parang wala masyado espesyal na impact sa aking buhay)

11. HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa
elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw
flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade
system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura
nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng
bata(maasim) ,nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang
damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending
galing sa langit.(hindi ko lam ang itsura nito..hindi ko sure kung nakadaupang palad ko na ang kending ito..)

12. KENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po
neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang
kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa
sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan
citrus/fruity) .may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay
sa malaking garapon ng lady?s choice.(sa amin talaga eh kending hubad ang tawag dito..)

13. LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala
sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa
ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may
nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din
kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.(hindi ko rin ito naabutan, baka 70's ito, late 80's kasi ang kapaslitan ko eh)

14. CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o
kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong
peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na
binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas
oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?(ito, hanggang nagyon e nagpapasakit ng ngipin ko..nagsimula itong nakilala ko as "dragon"..tus lumabas ang "chokomani", ngayon e "hany" ang uso...pero lahat e chocnut sila)